Taga-probinsyang nagtatrabaho sa Metro Manila, may mga dapat sundin

Taga-probinsyang nagtatrabaho sa Metro Manila, may mga dapat sundin

- Makakapagtrabaho pa rin sa Metro Manila ang mga empleyado ng rehiyon na nakatira sa mga kalapit probinsya sa oras na maipatupad ang “community quarantine”

- Kailangan lamang magpakita sa designated checkpoints ng company ID na magpapatunay na sa National Capital Region naghahanapbuhay ang isang empleyado

- Magkakaroon din ng hand sanitation at temperature check sa checkpoints na pangungunahan ng Armed Forces of the Philippines at ng Philippine National Police

- Nilinaw naman ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na ang “community quarantine” ay hindi katumbas ng “total lockdown”

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maaari pa ring makapasok sa Metro Manila ang mga empleyado at negosyante ng rehiyon na nakatira sa karatig probinsya sa oras na maipatupad ang “community quarantine” sa lugar simula Marso 15.

Kailangan lamang magpakita ng katibayan tulad ng company ID na magpapatunay na sa National Capital Region talaga naghahanapbuhay ang isang trabahador.

Sa panayam ng DZMM Teleradyo kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, sinabi nito na magkakaroon ng designated checkpoints sa mga boundary ng Metro Manila kung saan may precautionary measures na dapat sundin.

Kabilang dito ang pagpapakita ng employee ID mula sa kompanyang nasa NCR at pagsasagawa ng hand sanitation at temperature check na pangungunahan ng Armed Forces of the Philippines at ng Philippine National Police.

"Papayagan 'yong mga magtatrabaho na pumasok provided lang na mayroon lang silang ID. Mayroon lang magpapatunay na ang work nila ay dito sa Metro Manila," pahayag ni Año.

Hinikayat din ni Año ang mga pribadong kompanya na ipatupad ang flexible work schedule o work-from-home scheme para sa ikabubuti ng mga empleyado.

"We also have to consider 'yong mga kababayan nating nagtatrabaho lalo na 'yong mga ordinaryong trabaho pero 'yong mga pwedeng mag-work sa bahay, we encourage na mag-work from home na lang at magkaroon sana ng flexible schedule sana sa mga private sector," aniya.

Nilinaw naman ng DILG secretary na ang “community quarantine” ay hindi katumbas ng "total lockdown."

"Hindi naman po natin sinasabi itong total lockdown. We are just expecting movement especially coming in and going out of Manila. Unang-una, ayaw na nating magspread itong virus from [Metro] Manila and going outside of Metro Manila," sabi ni Año.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa naunang report ng KAMI, umakyat na sa kabuuang bilang na 64 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 sa bansa at karamihan sa mga ito ay nagmula sa Metro Manila.

Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 12 ang pagkakaroon ng “community quarantine” sa NCR magsisimula sa Marso 15 hanggang Abril 14 ng kasalukuyang taon.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at its hilarious videos, this video is for you!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel