Pati rin si Senator Bong Go: Pangulong Duterte, negatibo sa COVID-19

Pati rin si Senator Bong Go: Pangulong Duterte, negatibo sa COVID-19

- Negatibo sa COVID-19 si Presidente Rodrigo Duterte gayundin si Senator Bong Go

- Inanunsiyo ng nasabing senador noong Marso 11 ang pagpapatest nila ng pangulo at isinagawa nga ito kinabukasan

- Isinagawa ang test sa mismong palasyo ng Malacañang nitong Huwebes, Marso 12 ilang oras bago humarap ang pangulo sa press conference na isinagawa sa gabing iyon

- Bagaman at wala namang sintomas, pinayuhan ang dalawa na sumailalim sa test matapos na makahalubilo ang ilang mga miyembro ng gabinete na na-expose sa isang COVID-19 patient

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isina-publiko na ang resulta ng isinagawang COVID-19 test kay Pangulong Rodrigo Duterte ngayon, Marso 13.

Sa ulat ng ABS-CBN news, Marso 11 nang inannunsyo ni Senator Bong Go ang pagpapa-test nila ng pangulo.

Isinagawa ng isang medical staff ng Research Institute for Tropical Medicine ang test sa Malacañang ilang oras bago humarap ang pangulo sa press conference nito kaugnay ng COVID-19 noong Marso 12.

Isang araw lamang ang lumipas ay napag-alamang negatibo ang presidente sa virus gayundin si Senator Bong Go na kasabay din niyang nagpa-test.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa ulat ng GMA news, sinabing pinayuhan ang pangulo na magpa-COVID-19 test matapos na makahalubilo ang ilang miyembro ng gabinete na na-expose sa isang COVID-19 patient.

Minabuti na ring maniguro ng pangulo lalo na at ang ilan mga senador ay nag-self quarantine pa upang masiguro na di sila tinamaan ng kinatatakutang virus.

Kasalukuyan nang naka-lockdown ang senado dahil sa isa sa mga resource speaker nila ang sinasabing carrier ng virus.

Samantala, inanunsyo na ni Pangulong Duterte ang 'community quarantine' na magsisimula sa Marso 15 hanggang Abril 14 ng kasalukuyang taon.

Kasabay nito ang suspensyon muli ng mga klase na tatagal pa hanggang Abril 12.

Binahagi sa Facebook page na Presidential Communications (Government of the Philippines) ang kabuuang video ng inabangang press conference ni Pangulong Duterte.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at its hilarious videos, this video is for you!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel