12 ang nadagdag: Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pinas, pumalo na sa 64

12 ang nadagdag: Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pinas, pumalo na sa 64

- Nadagdagan na naman ng 12 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa

- Karamihan pa rin sa mga ito ang mga Pilipino at pawang mga residente ng Metro Manila

- 27-anyos ang pinakabatang edad ng nadagdag na kaso habang mayroon ding 70-anyos na kasama rito

- Idineklara na ng Pangulong Duterte ang 'community quarantine' sa Metro Manila at magiging epektibo ito pagpatak ng alas dose ng hatinggabi ng Marso 14 at matatapos sa Abril 14

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umakyat na sa kabuuang bilang na 64 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 sa bansa.

Ito ay matapos na ipahayag ng Department of Health ang 12 karadagang kaso ngayong gabi ng Marso 13.

Karamihan pa rin sa mga pasyente mga Pinoy na pawang mga residente ng Metro Manila.

Ang ilan sa kanila ay nagdeklarang walang travel history habang ang isa naman ay kapatid ng patient number 49.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Makati Medical Center at The Medical City ang dalawa sa ospital na kinaroroonan ng ilan sa 12 na nadagdag na ito.

27 ang edad ng pinakabatang pasyente sa pinakahuling batch ng COVID-19 patients na ito habang ang pinakamatanda naman ay may edad na 70.

Base sa Philippine Red Cross, ito ang pinabagong update ukol sa COVID-19 na inilabas bandang 9:30 ngayong gabi.

Narito ang kabuuang listahan ng mga bagong pasyente na binahagi ng ABS-CBN News:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at its hilarious videos, this video is for you!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel