Pinakabagong kaso ng COVID-19, isang Grab driver

Pinakabagong kaso ng COVID-19, isang Grab driver

- Isang Grab driver ang pinakabagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa

- Patient number 1 daw ito ng Pampanga ayon sa inanunsyo ng kanilang gobernador na si Dennis Pineda

- Sumeserbisyo raw ang Grab driver na ito sa Clark Freeport at Pampanga

- Bagaman at tubong san Fernando, kasalukuyan nang naka-admit ang Grab driver sa isa sa mga ospital sa Kamaynilaan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinumpirma ni Governor Dennis Pineda ng Pampanga pinakaunang kaso ng COVID-19 sa kanilang probinsya.

Base sa ulat ng Inquirer, nagsagawa ng press conference ang gobernador at doon sinabing isang Grab driver ang 'patient 1' ng kanilang lugar.

Nasabi din ng gobernador na na-confine pa umano ang driver na ito sa isa sa mga ospital sa Maynila bago ito ilipat sa Jose B. Lingad Memorial Hospital.

Dati raw itong sumeserbisyo sa Clark Freeport at Pampanga.

Agad namang dinala sa nasabing ospital ang asawa at mga anak ng Grab driver upang matingnan kung mayroon na rin itong sintomas ng virus.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, ang isa pang kaso ng COVID-19 ang naitala sa Pampanga ngayon at kinumpirma mismo ito ng Jose B. Lingad Memorial Hospital kung saan din ito naka-confine.

Batay sa ulat ng Rappler, pinaiksi na ang visiting hours sa naturang ospital bilang precautionary measures na rin sa kinatatakutang virus.

Kagabi, Marso 12 ay dineklara na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 'community quarantine' sa Metro Manila upang malimitahan na ang pagpasok at paglabas ng mga tao sa rehiyong labis na apektado ng COVID-19.

Binahagi ng Presidential Communications (Government of the Philippines) ang video ng pinakaabangang press conference na ito ng pangulo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at its hilarious videos, this video is for you!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel