Mayor Joy Belmonte ng QC, nagdeklara na ng 'state of calamity' sa kanilang lungsod

Mayor Joy Belmonte ng QC, nagdeklara na ng 'state of calamity' sa kanilang lungsod

- Nagdeklara na ng 'state of calamity si Quezon City Mayor Joy Belmonte kaugnay sa paglaganap ng COVID-19 sa kanilang lungsod

- Kinailangan daw itong gawin ng alkalde upang mas mapabilis ang paglabas ng pondo para sa krisis ng kalusugan na kinakaraharap ng Metro Manila ngayon

- Mahigpit ding ipinagbabawal sa Quezon City ang malakihang pagtitipon bilang bahagi ng precautionary measures na isinasagawa kaugnay sa COVID-19

- Kasalukuyang may Anim na kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang lungsod

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagdeklara na ng 'state of calamity' si Mayor Joy Belmonte ng Quezon City ngayong hapon ng Marso 13.

Ito ay kaugnay sa kinakaharap na krisis pangkalusugan na dala ng Corona Virus Disease 2019 o COVID-19 sa bansa partikular na sa Metro Manila.

Ayon sa Philippine Star, kinailangan daw itong gawin ng alkalde upang mas mapabilis ang paglabas ng pondo sa mga gagawin nilang hakbang sa pag-aksyon laban sa kinatatakutang virus ng mundo.

Pahayag pa ni Belmonte, dahil sa nagdeklara na rin mismo si Pangulong Rodrigo Duterte state of public health emergency, ito na rin ang naging basehan niya upang ideklara ang state of calamity sa kanilang lugar.

Base sa ulat ng ABS-CBN, ang Quezon City ang may pinakamalaking populasyon sa Metro Manila kaya naman sila ang nangunguna sa paggawa ng mga hakbangin upang maiwaasan pa ang paglaganap ng COVID-19 sa lungsod.

Bukod dito, maigting na ipinagbabawal din ang mga pagtitipon, maliit man o malaki sa naturang lungsod.

Kasalukuyan nang may anim na kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang Quezon City at umaasa silang di na muli ito madaragdagan.

Narito ang video ng kabuuang pahayag ng alkalde ng Quezon City:

Samantala, nagdeklara na ng "community quarantine" sa National Capital Region si Pangulong Duterte na magsisimula sa Marso 15 hanggang Abril 14.

Napapaloob na rin dito ang suspensyon ng klase hanggang Abril 12.

Binigyang linaw ng pangulo ang paggamit niya ng terminong 'community quaratine' at hindi 'lockdown' dahil sa maari pa namang magawa ang ilang mga bagay sa Metro Manila ngunit mayroon lamang ilang restriksyon dala ng krisis na kinakaharap ngayon ng bansa.

Binahagi ng Presidential Communications (Government of the Philippines) Facebook page ang video ng pinakainabangang press conference.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at its hilarious videos, this video is for you!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel