Anak ng pasyenteng namatay dahil sa COVID-19, may mensahe sa publiko

Anak ng pasyenteng namatay dahil sa COVID-19, may mensahe sa publiko

- Nagbigay ng pahayag sa publiko ang anak ng isang pasyenteng nasawi dahil sa coronavirus disease

- Sa pamamagitan ng social media ay ibinahagi nito ang pagluluksa ng kanilang pamilya dahil sa pagpanaw ng ina

- Sinabi rin nito na maging ang kanyang ama ay positibo rin sa COVID-19 at naka-admit sa isang ospital sa Maynila

- Hinikayat naman nito ang publiko na maging responsable at huwag magpakalat ng mga maling impormasyon na maaaring makapagdulot ng takot at galit sa marami

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Isang netizen ang matapang na naglabas ng pahayag sa social media tungkol sa pagkamatay ng ina nito dahil sa coronavirus disease.

Sa Facebook post ni Liza Paqueo na kasalukuyang naninirahan sa US, ibinahagi nito ang pagluluksa ng kanilang pamilya dahil sa pagpanaw ng ina na si Nida Cortes Paqueo noong Marso 11.

Sinabi rin nito na maging ang kanyang ama ay positibo rin sa COVID-19 at naka-admit sa isang ospital sa Maynila.

Ayon dito, stable na ang lagay ng ama bagamat matinding kalungkutan ang dinaranas nito dahil sa pagkamatay ng asawa.

Ikinalulungkot din ng buong pamilya na hindi nila napuntahan man lamang ang dalawa dahil na rin sa sitwasyon.

Hinikayat naman ni Liza ang publiko na maging responsable at huwag magpakalat ng mga maling impormasyon na maaaring makapagdulot ng takot at galit sa marami.

Naging biktima raw ang pamilya nito ng mga iresponsableng tao na nagpakalat ng mga maling impormasyon tungkol sa kanyang mga magulang at sa buong pamilya.

Hindi rin daw sila nakaligtas mula sa mga galit at pagbabanta ng ilan.

Sa kanyang FB post, hinikayat din nito ang mga taong nakasalamuha o nagkaroon ng close contact sa kanyang mga magulang na magpatingin sa doktor o kaya ay mag-self-isolate upang makaiwas pa sa pagkalat ng nakamamatay na sakit.

Nilinaw din nito na hindi pa alam kung saan nakuha ng kanyang mga magulang ang COVID-19 dahil wala naman daw history ng byahe sa ibang lugar at nananatili lang sa Maynila ang mga ito.

Bukod dito, malusog at malakas daw ang kanilang ina bago ito dinala sa ospital dahil sa localized pneumonia noong Marso 11.

Sa Pilipinas, lima na ang nasawi dahil sa COVID-19 mula sa mahigit 50 na naitala na positibong kaso nito.

Mula sa KAMI, nakikiramay kami sa mga naiwan at naulila ni Mrs. Nida Cortes Paqueo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa isa pang ulat ng isang babae sa San Juan ang nakipaghabulan sa mga pulis matapos nitong magpositibo sa coronavirus disease.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at hilarious videos, this video is for you! Check out all our KAMI

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel