Babaeng positibo sa COVID-19, nakipaghabulan sa mga pulis sa San Juan

Babaeng positibo sa COVID-19, nakipaghabulan sa mga pulis sa San Juan

- Sinubukan umanong makatakas ng isang babae sa San Juan sa mga pulis matapos mag-positibo sa coronavirus

- Umabot sa dalawang oras ang habulan at negosasyon sa babae bago ito napapayag na magpa-admit sa isang ospital

- Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, nang malaman ng babae na mayroon itong COVID-19 ay agad naman daw itong nagpunta sa napili nitong ospital

- Pero hindi na raw ito kaya pang i-accommodate ng napiling ospital kaya sinamahan na ito ng mga pulis at ilang local health officials sa ibang ospital bago tumakas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinubukan umanong tumakas ng isang 51-anyos na babae sa San Juan sa mga pulis matapos mag-positibo sa coronavirus.

Ayon sa ulat ng DZRH News, umabot sa dalawang oras ang habulan at negosasyon sa babae bago ito napapayag na magpa-admit sa isang ospital.

Batay naman sa ulat ng CNN Philippines, sinabi ni San Juan City Mayor Francis Zamora na nang malaman ng babae na mayroon itong COVID-19 ay agad naman daw itong nagpunta sa napili nitong ospital.

Pero hindi na raw ito kaya pang i-accommodate ng napiling ospital kaya sinamahan na ito ng mga pulis at ilang local health officials sa ibang ospital.

Doon na umano ito tumakas sa mga pulis na nag-escort dito sakay ng sasakyan nito, ayon kay Chief Jaime Santos ng Eastern Police District

Sa parking lot sa isang ospital sa Quezon City na ito naabutan ng mga awtoridad.

Sasailalim din sa 14-day quarantine ang mga pulis na sangkot sa insidente.

Bukod dito, isa pang OFW mula sa Japan ang hinihinalang tumakas din matapos makitaan ng sintomas ng COVID-19, na una nang naiulat ng KAMI.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at hilarious videos, this video is for you! Check out all our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel