Batangas, kumpirmadong mayroon nang 1 positive case ng coronavirus

Batangas, kumpirmadong mayroon nang 1 positive case ng coronavirus

- Mayroon na ring nagpositibo sa coronavirus sa Batangas ayon kay Governor Hermilando Mandanas

- Base sa lumabas na ulat, ito ang pinaka-unang positive case sa probinsiya

- Residente umano ito ng Batangas City at mayroong record ng pagbiyahe sa London, England

- Kasalukuyan na rin daw itong naka-isolate sa Batangas Medical Center

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang residente sa Batangas ang kumpirmado na ring positibo sa coronavirus.

Base sa lumabas na ulat, ito ang pinaka-unang positive case sa probinsiya.

Ang impormasyong ito ay nanggaling kay Batangas Governor Hermilando Mandanas sa pamamagitan ng isang statement sa social media, ayon sa ulat ng Rappler.

Sabi ni Mandanas, nalaman niya ang tungkol dito mula kay Batangas Provincial Health Officer Dra. Rose Ozatea, Huwebes, March 12.

"Tayo sa Batangas ay kakayanin ang [mga] sakuna na ito, kapares na rin ang ginagawang pangangalaga dahil naman sa pagputok ng Taal Volcano at pagsisimula ng African Swine Fever sa bayan ng Laurel," anito.

"Ang lalawigan ng Batangas ay hindi lang sapat sa pagkain, tayo rin po ang inaasahang mag-supply ng tilapia, baboy, manok, baka, at iba pang pagkain pang araw-araw hindi lamang sa Metro Manila kundi sa iba pang bahagi ng Pilipinas," dagdag pa ng gobernador.

Napag-alaman naman na residente umano ito ng Batangas City at mayroong record ng pagbiyahe sa London, England, batay sa ulat ng Inquirer.

Kasalukuyan na rin daw itong naka-isolate sa Batangas Medical Center.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa mahigit 50 ang naitalang positive cases sa Pilipinas. Lima rito ang nasawi.

Kasunod nito, idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang "community quarantine" sa buong Metro Manila.

Samantala, sa isa pang ulat ng KAMI, isa namang OFW mula sa Japan ang hinihinalang tumakas matapos magpakita ng sintomas ng coronavirus.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at its hilarious videos, this video is for you! Check out our KAMI

Source: Kami.com.ph

Online view pixel