OFW mula sa Japan na may sintomas ng coronavirus, hinihinalang tumakas

OFW mula sa Japan na may sintomas ng coronavirus, hinihinalang tumakas

- Biglang nawala o umalis ang isang OFW na kinakitaan ng sintomas ng COVID-19 sa Sarangani

- Ayon sa lumabas na ulat, umuwi mula sa Japan ang OFW noong February 29

- Dumiretso ito sa Glan kasama ang 10-taong-gulang na anak

- Ngunit bigla umano itong umalis ng ospital at iniwan ang anak na nakitaan din ng sintomas ng sakit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Posibleng nakaalis na ng bansa ang isang overseas Filipino worker (OFW) na nakitaan ng sintomas ng novel coronavirus at bumalik na sa Japan.

Sa isang ulat ng "Saksi" ng GMA News, sinabing biglang umalis ang OFW sa ospital bago pa man masuri.

Lumalabas na dumating ang naturang OFW noong February 29, 2020.

Dumiretso umano ito sa Glan sa Sarangani kasama ang 10-taong-gulang na anak.

Pero bigla itong umalis at iniwan pa ang anak na nakitaan na rin ng sintomas ng COVID-19.

Sabi sa ulat, ipinagbigay-alam na raw ng mga awtoridad ang insidente sa Bureau of Quarantine upang mailagay sa watch list ang OFW.

Sa kabuuan, mayroon nang 134,679 kaso ng coronavirus sa buong mundo at 4,973 dito ang naitalang nasawi.

Sa Pilipinas, mayroon nang 52 kumpirmadong nagpositibo rito ayon sa DOH at lima rito ang nasawi.

Samantala, itinaas na ng pamahalaan sa Code red sublevel 2 ang banta ng coronavirus sa bansa.

Ipinag-utos na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-suspinde sa Land, Domestic air, at domestic sea travel, papasok at palabas ng Metro Manila simula March 15, 2020 hanggang April 14, 2020.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang ulat ng KAMI, libo-libong medical supplies tulad ng face masks ang nakitang nakaimbak sa isang warehouse sa Makati. Sa gitna ito ng banta sa kalusugan ng marami dahil sa coronavirus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at its hilarious videos, this video is for you! Check out KAMI

Source: Kami.com.ph

Online view pixel