Face masks at iba pang medical supplies, nakaimbak sa 1 Makati warehouse -NBI

Face masks at iba pang medical supplies, nakaimbak sa 1 Makati warehouse -NBI

-Isang warehouse sa Makati ang ni-raid ng mga miyembro ng NBI matapos mapag-alamang may mga naka-imbak na medical supplies dito

-Libo-libong face masks, surgical gloves at ibang medical supplies ang nakita rito ng mga awtoridad

-Depensa naman ng general manager ng kompanyang may-ari ng warehouse, ide-deliver na ang mga ito sa mga tindahan

-Samantala, itinaas na ng pamahalaan sa Code red sublevel 2 ang banta ng coronavirus sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang warehouse sa Makati ang ni-raid ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos mapag-alamang mayroong nakaimbak na mga medical supplies dito.

Libo-libong face masks, surgical gloves at ibang medical supplies ang nakita rito ng mga awtoridad.

Sa isang video na ibinahagi ng ABS-CBN News, kita pa nang buksan ng awtoridad ang isang kahon na may lamang mga face masks.

Ayon sa isang report ng ABS-CBN (Reporter, Niko Baua), sinalakay ng NBI ang naturang warehouse matapos makatanggap ng impormasyon hinggil dito.

Pero depensa naman ng general manager ng Newlife Pharmaceuticals Inc. na si Ram Sehwani, kumpleto ang kanilang mga dokumento at updated din daw ang kanilang permits.

Ide-deliver din umano ang mga ito sa mga tindahan.

Inaalam naman ng NBI kung legal ba ang kargamento.

Matapos pumutok ang balitang mayroon nang mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa, may mga nagpanic-buying na ilang lugar sa Metro Manila at ilang bayan.

Sa kabila nito, nilinaw ng DTI na sapat ang supply sa bansa at nagbabala pa sa mga negosyanteng mananamantala, na una nang naiulat ng KAMI.

Samantala, itinaas na ng pamahalaan sa Code red sublevel 2 ang banta ng coronavirus sa bansa, ayon sa ulat ng DZMM.

Sa kabuuan, mayroon nang 129,589 kaso ng coronavirus sa buong mundo at 4,749 dito ang naitalang nasawi.

Sa Pilipinas, mayroon nang 52 kumpirmadong nagpositibo rito ayon sa DOH at dalawa rito ang nasawi.

Ipinag-utos na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-suspinde sa Land, Domestic air, at domestic sea travel, papasok at palabas ng Metro Manila simula March 15, 2020 hanggang April 14, 2020.

Suspendido na rin ang klase sa lahat ng antas sa Metro Manila hanggang April 12, ayon kay Pangulong Duterte.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

Reacts TikTok

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at its hilarious videos, this video is for you! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel