Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, pumalo na sa 52

Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, pumalo na sa 52

- 52 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong Marso 12

- Dalawa sa nadagdag ay walang travel history o hindi lumabas ng bansa habang ang isa ay inaalam pa kung saang bansa nanggaling

- Lahat ng tatlong nadagdag na ito ay pawang mga Pilipino

- Agad na nagsagawa ng contact tracing ang DOH sa mga bagong kaso na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pumalo na sa 52 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 sa bansa ngayong Marso 12.

Ayon sa opisyal na pahayag ng Department of Health, tatlo ang nadagdag na lahat ay mga Pilipino.

Sa ulat ng ABS-CBN news, Ang patient number 50 ay isang 69-anyos na kasalukuyang naka-admit sa Medical city.

Kinakitaan daw ito ng sintomas noong Marso 8 at nakumpirmang may COVID-19 noong Marso 11.

Si Patient number 51 naman ay isang 28-anyos na lalaking naka-admit sa Makati Medical center. Kinakitaan siya ng sintomas noong pang Pebrero 25 ngunit nagpositibo lamang sa virus nitong Marso 11.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang pinakahuling naitala bilang patient number 52 ay isang isang 79-anyos na naka-confine sa Asian Hospital at sampung araw nang kinakitaan ng sintomas bago makumpirmang may COVID-19 ito.

Si PH 52 ay may travel history sa United Kingdom ngunit di masiguro kung doon pa niya ito nakuha o dito na sa Pilipinas.

Base sa ulat ng Philippine Star, agad na nagsagawa ng contact tracing sa mga bagong kaso na ito upang masiguro rin ang kalagayan ng kanilan mga nakasalamuha.

Samantala, Marso 11 nang i-anunsyo ng DOH ang pangalawang pumanaw dahil sa COVID-19 sa bansa.

Ito ay si patient #35 na may pre-existing medical condition na hypertension and diabetes mellitus. Asawa siya ni p#34 na naka-admit pa rin sa Manila Doctors Hospital.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at its hilarious videos, this video is for you!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel