Sana all! Heart Evangelista, pinadalhan ng "fashionable face mask" ang 1 netizen

Sana all! Heart Evangelista, pinadalhan ng "fashionable face mask" ang 1 netizen

-Isang netizen ang nakatanggap ng trending na "fashionable face mask" mula kay Heart Evangelista

-Mabilis na nag-viral online ang post ni Heart tungkol sa kanyang Do-it-yourself na face masks

-At tulad ng inaasahan marami ang netizens na 'di napigilang mag-react dito

-Kabilang na ang maswerteng netizen na pinadalhan pa mismo ni Heart ng face mask na ayon pa nga sa marami ay hashtag "yayamanin"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang netizen ang nakatanggap ng regalo mula sa Kapuso actress na si Heart Evangelista.

Mismong si Heart pa ang nagpadala ng trending na "fashionable face mask" nito sa isang dalaga.

Matatandaang mabilis na nag-viral online ang post ni Heart tungkol sa kanyang Do-it-yourself na face masks, na una nang naiulat ng KAMI.

At tulad ng inaasahan marami ang netizens na 'di napigilang mag-react dito.

Isa na rito ang netizen na si @isblrntz sa Twitter.

Ngunit 'di marahil inasahan nito nang mapansin ni Heart ang kanyang tweet at sinagot pa ito. Dito na inalok ng sikat na aktres ang netizen ng kanyang viral face masks.

"You want me to send you one ?:) I have been making masks for my family while at home using old ribbons :) meron kasi ako mga extra masks na bigay Lang:) I can make one for you pls check dm," sabi ni Heart sa kanyang tweet.

Maraming netizens ang napa-react sa sorpresang ito ni Heart sa netizen.

"life is sooo unfair Face with look of triumph i want one too."

"So lucky ghorl sana ol."

"Wla n my winner n!"

"ang sweet tlaga ng lodi ko!!!"

"ISANG MALAKING SANA ALL."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Heart Evangelista o Love Marie Ongpauco sa tunay na buhay ay isa sa mga sikat na aktres at vlogger sa bansa.

Kilala ito bilang isang icon at tinitingala ng marami pagdating sa fashion.

Kasal ito sa dating senador at ngayon ay gobernador ng Sorsogon na si Chiz Escudero.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

GMA's newest series "Descendants of the Sun," which is an adaptation of a hit Korean series premiered on February 10. Its cast including Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Jasmine Curtis-Smith, and Rocco Nacino talked about their series in an interview with KAMI. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel