Zubiri: Asawa ng pasyenteng namatay sa COVID-19 ang pumunta sa Senate hearing

Zubiri: Asawa ng pasyenteng namatay sa COVID-19 ang pumunta sa Senate hearing

- Sabi ni Sen. Juan Miguel Zubiri, ang taong pumunta sa Senate hearing na nagpositibo sa coronavirus disease ay ang asawa ng ikalawang pasyente na namatay sa Pinas dahil sa sakit na ito

- Giit ni Zubiri, halos lahat ng mga senador ay sumailalim sa self-quarantine dahil sa banta ng coronavirus

- Hinikayat din niya ang lahat ng mga senador na magpa-test upang malaman kung sila ba ay ligtas sa COVID-19

- Paalala niya, dapat ay seryosohin ng lahat ang epekto ng coronavirus disease sa buhay ng mga Pilipino

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon kay Majority Leader Sen. Juan Miguel Zubiri, ang kauna-unahang Pilipino na namatay sa bansa dahil sa Corona Virus Disease (COVID-19) ay ang asawa ng resource person na dumalo sa Senate hearing noong nakaraang linggo.

Nalaman ng KAMI na ang resource person na ito ay nagpositibo na rin sa coronavirus at kritikal na ang sitwasyon.

Sabi sa ulat ng GMA News Online (isinulat ni Dona Magsino), dumalo ang resource person na ito sa Senate hearing ng Committee on Basic Education, Arts and Culture noong ika-5 ng Marso.

Paliwanag ni Senador Zubiri, nagpasya ang ilang mga senador na manatili na lang sa kanilang mga bahay at sumailalim sa self-quarantine dahil sa insidenteng ito.

Ayon sa ulat ng Inquirer, panawagan naman ni Zubiri, dapat lahat ng senador ay sumailalim sa test upang masigurado na sila ay ligtas sa COVID-19.

“This is serious as the Filipino Lady who died yesterday was the wife of the resource person that attended Sen. Gatchalian’s hearing where the resource person himself is in critical condition now,” sabi ni Zubiri.

“This virus is no joke and we should take this seriously,” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nauna namang naibalita ng KAMI na ilang mga senador at mayor sa bansa ang boluntaryong sumailalim sa self-quarantine ngayong laganap na ang coronavirus sa Pilipinas.

Samantala, nasa 49 na kaso naman ng coronavirus disease ang naitala na Department of Health (DOH).

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Paano nga ba nagsimula ang Hazelberry Cafe ni Ara Mina? Gusto mo bang matikman ang mga ito? Magpapamigay sila ng libreng cupcake! Panuorin para malaman kung paano ka makakakuha sa KAMI HumanMeter YouTube Channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel