COVID-19 scare: DOH, nagpaalala sa mga nagbabalak magswimming ngayong tag-init

COVID-19 scare: DOH, nagpaalala sa mga nagbabalak magswimming ngayong tag-init

- Nagpaalala si Health Secretary Francisco Duque III sa mga nagbabalak nang mag-swimming ngayong tag-init

- Ayon kay Duque, maaari namang mag-swimming sa dagat basta mainit ang panahon

- Ligtas din daw lumangoy sa mga swimming pool na mayaman sa chlorine

- Ito ay sa kabila ng banta ng coronavirus at nakapagtala na ng dalawang nasawi sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakararanas na ng napakatinding init ang buong bansa ngayon. Kaya naman ang ilan paniguradong nagbabalak nang mag-outing at pumunta sa mga resorts.

Pero kasabay nito ang tumitinding banta ng coronavirus na umabot na nga sa iba't-ibang parte ng mundo kabilang na ang Pilipinas.

Dahil dito, nagpapaalala si Health Secretary Francisco Duque III sa mga nais nang magtampisaw sa dagat o swimming pool.

Sa isang panayam ng DZMM kay Duque, nilinaw nito na maaari namang lumangoy sa dagat basta mainit ang panahon.

"Basta't mainit ang panahon okay ang dagat," sabi nito.

Ligtas din daw lumangoy sa mga swimming pool na mayaman sa chlorine.

"Makikita naman kulay asul, mayaman iyon sa chlorine; kung kulay berde, malabo huwag po kayong magswi-swimming," anito.

Sa kasalukuyan ay nasa ilalim ng 'state of public health emergency' ang bansa na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes.

Hindi naman naiwasan ng marami ang magpanic-buying lalo na ng mga alcohol at sanitizers.

Mayroon pa ngang nananamantala na sa sitwasyong ito sa bansa.

Pero may babala ang Department of Trade and Industry sa mga negosyanteng mananamantala sa pangamba ng publiko kaugnay ng coronavirus.

Nilinaw din ng DTI na may sapat na supply ang bansa at pinayuhan ang publiko na bilhin lamang ang mga kailangan, na una nang naiulat ng KAMI.

Sabi naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, iwasan na rin ang pagkakalat ng mga maling impormasyon sa publiko.

Ayon sa huling update, mayroon nang 126,380 na naitalang kaso ng coronavirus at 4,634 dito ay nasawi.

Sa Pinas, mayroon nang 50 nagpositibo rito at dalawa na ang naitalang nasawi ayon sa DOH.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

GMA's newest series "Descendants of the Sun," which is an adaptation of a hit Korean series premiered on February 10. Its cast including Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Jasmine Curtis-Smith, and Rocco Nacino talked about their series in an interview with KAMI. Check out all of our videos on our KAMI

Source: Kami.com.ph

Online view pixel