Dalaga, binayaran ang mga pinamili ng matandang lalaking nakasabay sa grocery

Dalaga, binayaran ang mga pinamili ng matandang lalaking nakasabay sa grocery

- Pinuri ng maraming netizens ang isang dalaga sa kanyang kabutihang-loob para sa isang matandang lalaki na hindi niya kilala

- Maging ang iba pang naroon ay nahawa na rin sa kabutihan ng dalaga at nagbigay din sa matandang lalaki

- Sa gitna ang pagpa-panic ng publiko dahil sa coronavirus, nangingibabaw pa rin ang bayanihan sa ating mga Pilipino

- At ang kwentong ito ay magsisilbing inspirasyon sa marami sa atin kahit pa nga matinding hamon ang ating kinakaharap dahil sa nakamamatay na sakit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang na-inspire sa isang viral post sa social media tungkol sa isang dalaga na tumulong sa isang matandang lalaki na nakasabay sa isang grocery store.

Sa post ng netizen na si Lane Blackwater, spotted ang isang mabait na dalaga na boluntaryong nagbayad ng mga pinamili ng matandang lalaki.

Ayon kay Lane, na nakasabay ang mga ito sa pila, nahihiya pa raw ang matandang lalaki nang alukin ito ng babae na kumuha ng iba pang kailangan nito.

Napansin daw kasi ng dalaga na iilan lang ang laman ng basket ng matandang lalaki.

“Kuha pa po kayo ng tinapay, kape, asukal... ako po ang magbabayad”, sabi pa raw ng dalaga.

“'Yan lang po kinuha nyo? Kuha pa po kayo. Dagdagan nyo pa po, ako po ang magbabayad," anito nang bumalik ang matandang lalaki bitbit ang dalawang piraso ng tinapay.

"Si Manong, nagsmile lang pero pinilit pa rin siya ni girl. So Manong left again to get few more items habang si girl ay binulungan ang kasama nya to get more items like colgate and the likes," kwento naman ni Lane.

Laking-gulat na lamang daw nito nang pagbalik ay puno na ang basket nito dahil nilagyan na ito ng dalaga at ng kasama nito.

Ang mas nakakatuwa pa sa kwentong ito ay maging ang iba pang naroon at nasaksihan ang ginawa ng dalaga ay nahawa rin sa kanyang kabutihan.

"In the end, pati yung ibang nasa counter na customer ay nagbigay na rin ng konti-konting items like Spam and etc. (na they paid) kay Manong at may nag-offer pa na sila na magbabayad ng mga items ni Manong," ayon pa kay Lane.

Kaya naman hindi na kataka-taka pa na umani ng papuri ang dalaga dahil sa kanyang ginawa.

"Nakakataba ng puso..sana marami pang katulad ni ate."

"Naiyak ako..Thank you ate girl for being a true blessings to others..God bless you more."

"Thank you to people like you God will bless you a hundredfold, I claim it!"

"Wow I salute you girl."

"She is indeed beautiful inside and out. God bless her and those others who help and to you Ms. Lane Blackwater."

Kaya naman hindi na kataka-taka pa na umabot na daan-daang libo ang shares at reactions nito sa Facebook.

Dahil ang kwentong ito ay magsisilbing inspirasyon sa marami sa atin kahit pa nga matinding hamon ang ating kinakaharap dahil sa nakamamatay na sakit.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mula sa 49, na una nang naiulat ng KAMI, umabot na sa 50 ang naitalang kaso ng nagpositibo sa coronavirus sa bansa ayon sa DOH.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

GMA's newest series "Descendants of the Sun," which is an adaptation of a hit Korean series premiered on February 10. Its cast including Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Jasmine Curtis-Smith, and Rocco Nacino talked about their series in an interview with KAMI. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel