Doctor na naka-recover sa COVID-19, pinasalamatan ang kapwa niya frontliners

Doctor na naka-recover sa COVID-19, pinasalamatan ang kapwa niya frontliners

- Pinasalamatan ng doctor na naka-survive sa COVID-19 ang mga kasama niya sa propesyon na nag-alaga sa kanya

- Hindi niya akalaing maging siya ay tatamaan ng kinatatakutang virus gayung isa dapat siya sa mga tumutulong sa paggamot ng mga nag-positibo sa COVID-19

- Labis niyang hinangaan ang kabayanihan ng frontliners na buwis buhay na tumutulong sa mga pasyenteng may COVID-19

- Hindi raw niya ito mapagtatagumpayang mag-isa kung wala ang mga doktor at nurses na nag-aruga sa kanya at sa mga dasal ng mga taong nagmamahal sa kanya at naghihintay ng kanyang paggaling

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng UST hospital doctor na si Dr. Armine Lee Supnet na isa sa mga mapalad na naka-recover sa COVID-19.

Buong tapang na ikinuwento ni Dr. Supnet ang di niya malilimutang karanasan sa pakikipaglaban niya sa kinatatakutang virus sa buong mundo.

Hindi raw niya akalaing tatamaan siya ng virus lalo na at bilang isang physician, isa dapat siya sa mga tumutulong na manggamot sa pasyenteng nag-positibo sa coronavirus disease 2019.

Napansin lamang daw niya na tila hirap siyang huminga kaya sa una'y binalewala niya ito.

Hanggang dumating sa punto na di na niya ito kaya at na-admit na siya sa ospital.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Doon niya nakita ang hirap at sakripisyo ng mga frontliners na buwis buhay na nag-aaruga sa mga tinamaan ng COVID-19.

Hindi raw biro ang ginagawa ng mga doktor at nurses sa araw-araw na pagharap nila sa mga COVID-19 patients.

Kaya naman malaki ang pasasalamat niya sa mga ito na siyang malaking bahagi ng kanyang paggaling.

Pinasalamatan din niya ang kanyang mga mahal sa buhay na walang humpay na nagdasal para sa kanyang pakikipaglaban sa naturang virus.

Narito ang kabuuan ng kanyang nakaka-inspire na video:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Filipinos who have to stay in quarantine in order to stop the coronavirus outbreaks, share how they are dealing with the whole thing. They also have important messages to the healthcare workers and to fellow Filipinos.

Quarantine Stories: How Filipinos Feel About COVID-19 And Staying At Home | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel