Ikaapat na kaso ng COVID-19 sa QC, doktor sa isang private hospital

Ikaapat na kaso ng COVID-19 sa QC, doktor sa isang private hospital

- Kinumpirma ni Mayor Joy Belmonte ng Quezon City na mayroon nang ikaapat na kaso ng COVID-19 sa kanilang lungsod

- Ayon sa nakarating na impormasyon sa kanya tungkol sa pasyente, isa raw itong doktor sa isang pribadong ospital

- Pahayag ng alkalde, malaki raw ang posibilidad na nahawa sa mga pasyenteng may COVID-19 ang doktor

- Agad na nagsagawa ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng doktor na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Apat na ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 sa Quezon City ngayong Miyerkules, Marso 11.

Sa panayam ng DZBB kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, nakarating na sa kanya ang impormasyong isang doktor sa pribadong ospital ang ikaapat na nagpositibo sa naturang virus.

Nang malaman niya mismo ang impormasyong pinadala sa kanya ng Department of Health, agad siyang nagpadala ng health official sa tahanan ng doktor upang magsagawa ng contact tracing doon.

Ayon pa sa Inquirer, nasabi ng alkalde na malaki ang posibilidad na nahawa ang doktor sa pasyenteng mayroong COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nalulungkot din daw si Mayor Belmonte na naapektuhan ang mga medical personnel.

Base kasi sa ulat ng GMA news, isa rin pa lang doktor ang ikatlong kaso ng COVID-19 sa Quezon City kaya naman di maiwasang mag-aalala ng alkalde dahil nababawasan na ang mga nag-aalaga sa mga pasyente sa kanilang lugar.

Sa pinakahuling pahayag ng DOH, mayroong 16 pang nadagdag sa dating bilang na 34 kaya naman umabot na sa 49 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Marami ang nabigla sa kasalang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Pero mas lalo umingay ang balitang ito dahil sa nanay ni Sarah na si Mommy Divine. Ano kaya ang mga naging reaction ng mga taong bayan at ano kaya ang kanilang payo sakanilang tatlo. Ikaw, anong reaction mo?

What People Think About Sarah-Divine Issue | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel