English Teacher na COVID-19 survivor, binahagi ang di malilimutang karanasan

English Teacher na COVID-19 survivor, binahagi ang di malilimutang karanasan

- Binahagi ng isang English Teacher sa Wuhan, China kung paano niya nalampasan ang pagkakaroon ng coronavirus disease 2019

- Siya ang unang British na tinamaan ng sakit dahil na rin naroon siya sa sinasabing sentro ng virus na ito

- Nobyembre pa nang magkaroon siya ng karamdamang ito at noong panahong iyon ay wala pang testing kit para sa naturang virus

- Di naging madali ang kanyang pinagdaanan lalo na at gumaling pa muna siya sa inaakala lamang na sipon bago lumala ang kanyang sitwasyon na coronavirus na pala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ni Connor Reed ang kanyang naging karansan bilang isa sa mga coronavirus disease 2019 survivor.

Sa video ng LADbible, nilahad ni Connor ang kanyang dinanas mula nang unang araw na dapuan siya ng virus na kinatatakutan ng buong mundo.

Isang English teacher si Connor sa Wuhan, China na sinasabing episentro ng noo'y tinawag pang 2019 novel coronavirus

Nalaman ng KAMI na Nobyembre pa nang nakaraang taon 2019 nang tamaan siya ng naturang virus.

Nagsimula lamang daw umano ito sa simpleng sipon at ininuman pa niya ito ng mga gamot kung saan siya ay pansamantalang gumaling.

Ngunit matapos na malampasan ang inaakalang pangkaraniwang sipon lamang, doon lalo na lumala ang kanyang lagay.

Nakaramdam siya ng pananakit ng mata habang umuubo at wala pa sila noong ideya kung anong klaseng sakit ang dumapo noon sa kanya.

Di rin nila akalain na nakamamatay na sakit na pala ang dumapo noon sa kanya.

Unang stage pa lamang pala ang pagkakaroon niya ng sipon at ubo at ang pangalawa na ay nang dapuan na siya ng flu.

"You get better before you get worse," ang paglalarawan pa niya sa kanyang naranasan.

Di raw ito pangkaraniwang trangkaso dahil nakararamdam din siya ng pananakit ng tainga at lalamunan sa tuwing siya ay umuubo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Napakasakit na rin ng kanyang katawan na hindi na talaga siya halos makakilos.

Ang ikatlong yugto naman ang pagkakaroon niya ng pneumonia.

Hinahabol na raw niya talaga ang kanyang hininga noon at para bang humihinga na lamang siya gamit ang "paper bag."

Ang masaklap, wala pa noong testing kit na siyang makakapagsabi kung anong klaseng sakit ang dumapo sa kanya.

Natagalan pa bago nakumpirma na COVID-19 na pala ang nagpapahirap sa kanya.

Bukod pa rito, nakadagdag pa raw sa hirap ng kanilang kalagayan sa Wuhan ang pagsasara ng mga pamilihan kaya naman umaasa na lamang sila sa rasyong dumarating sa kanila.

Sa panayam ng Channel 4 news kay Connor, nabanggit din nitong huwag mag-panic dahil hindi raw ito makatutulong sa kasalukuyang sitwasyon na ibinabato ng COVID-19.

Maging responsable rin daw na magpatingin agad sakaling makaranas ng mga sintomas upang maiwasan na ang pagkalat nito.

Narito ang kabuuan ng video ni Connor.

Tulad ni Connor, una na ring naiulat ng KAMI ang kalagayan ng isang Pinay OFW sa Switzerland na kasalukuyang bumubuti na rin ang pakiramdam sa kabila ng pagiging positibo niya sa COVID-19.

Masasabing mainam na sumunod sa ipinalalabas na paalala ng awtoridad partikular na ng Department of Health upang hangga't maari ay makaiwas sa virus na ito na kumitil na ng libo-libong buhay sa buong mundo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Marami ang nabigla sa kasalang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Pero mas lalo umingay ang balitang ito dahil sa nanay ni Sarah na si Mommy Divine. Ano kaya ang mga naging reaction ng mga taong bayan at ano kaya ang kanilang payo sa kanilang tatlo. Ikaw, anong reaction mo?

What People Think About Sarah-Divine Issue | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel