Nagpositibo sa novel coronavirus sa Pilipinas, umakyat na sa 49 ayon sa DOH

Nagpositibo sa novel coronavirus sa Pilipinas, umakyat na sa 49 ayon sa DOH

-16 tao pa sa bansa ang nagpositibo sa novel coronavirus ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Miyerkules

-Sa kabuuan ay umabot na sa 49 ang bilang ng nagpositibo sa nakamamatay na virus na ito sa Pilipinas

-Ngunit bukod dito, hindi na nagbigay pa ng iba pang detalye ang DOH

-Tiniyak naman ng Palasyo na may sapat na supply sa bansa sa gitna ng pangamba ng marami dahil sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

16 tao pa sa bansa ang nagpositibo sa novel coronavirus ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Miyerkules.

Sa kabuuan ay umabot na sa 49 ang bilang ng nagpositibo sa nakamamatay na virus na ito sa Pilipinas.

Ito ang naging pahayag ng DOH sa ginawang press briefing ngayong araw.

Ngunit bukod dito, hindi na nagbigay pa ng iba pang detalye ang DOH.

Matapos pumutok ang balitang mayroon nang kumpirmadong kaso ng coronavirus sa bansa, nagpanic-buying na ang ilang nangamba sa balitang ito.

Pero tiniyak ng DTI na may sapat na supply ang bansa kaya naman pinayuhan nito ang publiko na huwag mag-panic-buying, na una nang naibalita ng KAMI.

Nakiusap din ang Palasyo sa publiko na huwag magpakalat ng mga maling impormasyon.

“This would only result in undue hoarding and price increases. Our officials from the Department of Trade and Industry (DTI) gave assurances that we have ample stock of essential items,” ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, sa isang report ng Inquirer.

“Let us not circulate unverified information that may only cause unnecessary anxiety among the members of our respective communities and instead maintain good hygiene and observe proper etiquette at all times,” dagdag nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

GMA's newest series "Descendants of the Sun," which is an adaptation of a hit Korean series premiered on February 10. Its cast including Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Jasmine Curtis-Smith, and Rocco Nacino talked about their series in an interview with KAMI. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel