Game na game! Raffy Tulfo, kinagiliwan ng netizens sa bago nitong TikTok video

Game na game! Raffy Tulfo, kinagiliwan ng netizens sa bago nitong TikTok video

- Naaliw ang mga fans ni Raffy Tulfo sa pinakabago nitong TikTok video

- Di raw akalain ng marami na sasakay ang kanilang Idol Raffy sa sikat na sikat na video app ngayon

- Inanunsyo pa niya sa publiko na i-follow ang kanyang official TikTok account

- Sa loob lamang ng dalawang oras ay umabot na sa halos 400,000 ang views ng viral video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tuwang-tuwa ang mga netizens na nakapanood sa pinakabagong TikTok video ni Raffy Tulfo.

Binahagi rin niya sa iba pa niyang social media pages ang video kaya naman mas marami sa kanyang mga tagahanga ang nakapanood nito.

Sa saliw ng "Versace on the floor" ni Bruno Mars, game na game si Tulfo na nagpakita ng kanyang dance moves sa loob ng 15 segundong video.

Agaw pansin din ang suot niyang naglalakihang mga alahas at maging ang kanyang sinturon ay takaw tingin na rin dahil ito ay "kumikinang".

Nalaman ng KAMI na sa official Facebook page ng Raffy Tulfo in Action, umabot na agad sa halos 400,000 ang views ng video sa loob lamang ng dalawang oras.

Halos di raw makapaniwala ang ilang netizens na makikisakay rin si Tulfo sa TikTok world na kinaaaliwan na ng marami.

Ang ilan, sinabi pang tila pansamantalang naibsan ang kanilang pangamba sa COVID-19 dahil sa nakatutuwang video ng kanilang idol.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Wow Idol gling nyo ng mag tiktok Ayusssss"
"Hehe sa kabila ng mga problema sa mundo naisingit pa ng ating butihing idol ang mag TikTok biglang natanggal ang aking pagka bahala sa corona virus ng napanood ko kayo sir"
"Sir Idol, nakiuso kan a rin, tama yan idol pangtanggal stress. bagay sayo"
"Anyari kay idol?itong si Vice ganda talaga nahawaan tuloy si sir Raffy Tulfo"
"Thank you for putting smile on my face, keep it up po"

Isang linggo na ang nakalipas nang pinasok na rin ni Tulfo ang TikTok world. Hinikayat din niya ang kanyang mga tagahanga na i-follow ang kanyang TikTok account na @raffytulfoinaction.

Narito ang kabuuan ng video:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Marami ang nabigla sa kasalang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Pero mas lalo umingay ang balitang ito dahil sa nanay ni Sarah na si Mommy Divine. Ano kaya ang mga naging reaction ng mga taong bayan at ano kaya ang kanilang payo sakanilang tatlo. Ikaw, anong reaction mo?

What People Think About Sarah-Divine Issue | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel