Raffy Tulfo, pansamantalang isinara sa publiko ang kanilang 'action center'

Raffy Tulfo, pansamantalang isinara sa publiko ang kanilang 'action center'

- Naglabas ng pahayag ang programang Raffy Tulfo in Action tungkol sa pansamantalang pagsasara ngkanilang action center sa TV5

- Ito ay upang makaiwas sa patuloy na paglaganap ng COVID-19 sa bansa

- Nilinaw naman nilang maari pa ring dumulog ang mga tagasubaybay sa kanilang Facebook page online

- Nangako silang patuloy pa rin naman nilang aaksyunan ang mga sumbong ng taong-bayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bilang pag-iingat para na rin sa napakaraming dumudulog sa programang Raffy Tulfo in Action, napagdesisyunan ng programa na pansamantalang ipasara ang kanilang action center sa TV5.

Sa kanilang Facebook page, ipinaliwanag ng programa na kaya nila ito ginagawa ay upang maiwasan ang paglaganap ng coronavirus disease 2019 sa bansa.

Isa ito sa nakikita nilang hakbang lalo pa at dinudumog talaga sila ng tao araw-araw.

Gayunpaman, patuloy pa rin silang tatanggap ng mga sumbong ng publiko sa pamamagitan ng kanilang official Facebook page na Raffy Tulfo in Action.

Doon na lamang daw sila sasagot sa mga sumbong ng bayan at nangako pa rin silang aaksyon sa mga ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa naunang ulat ng KAMI, sinabing hindi na rin tumatanggap ng live studio audience ang 'Eat Bulaga' at maging ang 'It's Showtime.'

Tulad ni Tulfo, ang kapakanan ng kanilang mga taga-suporta ang kanilang isinaalang-alang.

Maari pa rin silang mapanood ngunit sa telebisyon na lamang o di kaya ay sa mga opisyal na uploaded videos ng kani-kanilang mga programa.

Kasalukyan na kasing nasa 33 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa kaya naman maigting na pag-iingat ang kinakailangan upang di na tumaas pa ang bilang na ito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Marami ang nabigla sa kasalang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Pero mas lalo umingay ang balitang ito dahil sa nanay ni Sarah na si Mommy Divine. Ano kaya ang mga naging reaction ng mga taong bayan at ano kaya ang kanilang payo sakanilang tatlo. Ikaw, anong reaction mo?

What People Think About Sarah-Divine Issue | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel