Philhealth, sasagutin ang COVID-19 test ng mga pasyente

Philhealth, sasagutin ang COVID-19 test ng mga pasyente

- Kasama na sa benepisyo ng Philhealth ang testing costs ng coronavirus disease 2019

- Kasama na rin ang quarantine at isolation costs sa oras na inoobserbahan pa lamang ang pasyente

- Ito ay sa kabila ng mga pangamba ng mga Pilipino sa maaring magastos sakaling tamaan sila ng kinatatakutang virus

- Ipinaliwanag pa ito nina Dr. Shirley Domingo at Rey Baleña sa isang video na binahagi mismo sa Facebook page ng Philhealth

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sagot na ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth ang testing costs nang sinuman ang hinihinalang may coronavirus disease 2019 sa bansa.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles kasama na rin sa sasagutin ng Philhealth ang quarantine at isolation costs ng pasyenteng oobserbahan.

“Given this, the last thing we want is for our citizens to worry about medical costs and expenses. Their only concern should be their well-being and the well-being of their families,” pahayag ni Nograles na miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Sa inilabas na video ng Philhealth sa kanilang Facebook page, mas binigyang linaw nila ang magandang balita na ito sa ating mga kababayang nangangamba sa gastusin sakaling tamaan ng kinatatakutang virus.

Ipinaliwanag nina Dr. Shirley Domingo, Senior Manager, Communication and corporate department ng Philhealth at Rey Baleña, VIce President, corporate affairs group ng naturang ahensya ang sakop ng package.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nilinaw nila na ang mga level 2 at level 3 na ospital na pagdadalhan sa mga pasyenteng hinihinalang may COVID-19 ang maaring masagot ng Philhealth.

₱14,000 ang halagang inilaan para sa isolation package, ₱4,000 naman ang para sa referral package at maging ang existing case package at kabilang na rin sa sagit ng ahensya.

Kasalukuyan na kasing nasa 33 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa kaya naman di maiwasang maisip ng mga Pilipino ang kagastusan sa pagpapagamot.

Narito ang kabuuan ng video na isina-ere ng Philhealth:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Marami ang nabigla sa kasalang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Pero mas lalo umingay ang balitang ito dahil sa nanay ni Sarah na si Mommy Divine. Ano kaya ang mga naging reaction ng mga taong bayan at ano kaya ang kanilang payo sakanilang tatlo. Ikaw, anong reaction mo?

What People Think About Sarah-Divine Issue | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel