Coronavirus scare: DTI, sinigurong may sapat na supply sa bansa

Coronavirus scare: DTI, sinigurong may sapat na supply sa bansa

-Matapos lumabas ang mga ulat na mayroon nang mga kumpirmadong kaso ng coronavirus sa bansa, nagsimula nang mag-panic-buying ang publiko

-At ang pinaka-unang nabibili ay ang alcohol at sanitizers na pangontra sa virus

-Pero ayon sa Palasyo at sa DTI, may sapat na supply ang Pilipinas kaya nagpaalala ang mga awtoridad sa publiko na bilihin lamang ang mga kailangan

-Nagbabala rin ang DTI sa mga negosyanteng nananamantala sa sitwasyon ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos maiulat na may mga kumpirmadong kaso na ng coronavirus sa Pilipinas, nagsimula nang mag-panic-buying ang publiko.

Sa isang report ng GMA News, ilang grocery stores sa Caloocan City ang halos maubusan na ng alcohol at hand sanitizers na mabentang-mabenta ngayon dahil sa takot sa nakamamatay na virus.

Ganito rin ang sitwasyon sa isang grocery store sa viral post ng netizen na si Khristianne Kaye na hindi lang alcohol at sanitizers ang halos maubos.

Pero ayon sa Palasyon, tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na may sapat na supply sa bansa.

“This would only result in undue hoarding and price increases. Our officials from the Department of Trade and Industry (DTI) gave assurances that we have ample stock of essential items,” ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, sa isang report ng Inquirer.

“Let us not circulate unverified information that may only cause unnecessary anxiety among the members of our respective communities and instead maintain good hygiene and observe proper etiquette at all times,” dagdag pa ni Panelo.

Samantala, sa isang panayam sa ABS-CBN News, nagbabala si Usec. Ruth Castelo sa mga negosyanteng nanamantala sa sitwasyon ng bansa ngayon.

Nag-aangkat na rin daw ang DTI ng face masks at alcohol. Sinabihan na rin daw nila ang mga local manufacturers na bilisan ang paggawa ng mga nasabing produkto.

Nilinaw naman ng DTI na tuloy-tuloy pa rin ang supply ng mga ito bagamat mabilis talagang maubos.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang ulat ng KAMI, isang factory sa Thailand ang nahuling nagre-recycle ng mga gamit na face masks sa gitna ng kakulangan ng supply nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

GMA's newest series "Descendants of the Sun," which is an adaptation of a hit Korean series premiered on February 10. Its cast including Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Jasmine Curtis-Smith, and Rocco Nacino talked about their series in an interview with KAMI. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel