Ayon sa Philvolcs: Mt. Kanlaon, kasalukuyan nang nasa alert level 1

Ayon sa Philvolcs: Mt. Kanlaon, kasalukuyan nang nasa alert level 1

- Itinaas na sa alert level 1 ang kasalukuyang sitwasyon ng Mt. Kanlaon sa Negros Oriental

- Ilang araw nang inoobserbahan ng Phivolcs ang kakaibang aktibidad ng bulkan

- Mula alert level 0, itinaas na ito sa alert level 1 dahil sa "abnormal condition" ng bulkan

- Di na rin pinahihintulutang makapasok sa 4-kilometer 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) ng naturang bulkan dahil sa posibleng mangyari sa mga susunod na oras

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kasalukuyan nang nasa alert level 1 ang Mt. Kanlaon sa Negros Oriental ayon sa inilabas na pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), umaga ng Marso 11.

Napapaloob sa official statement na ito na mahigpit na ipinagbabawal na ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) dahil sa maaring maganap sa mga susunod na oras o araw.

Base sa ulat ng Manila Bulletin, ilang araw nang inoobserbahan ng Phivolcs ang kakaibang aktibidad ng naturang bulkan.

Kaya naman mula zero ay naging alert level 1 na ito dahil sa pagtaas ng kanyang seismic activity.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mula Marso 9 ay nagkapagtala na ng 80 volcanic earthquakes kabilang na rito ang 77 low-frequency events.

Ayon sa ABS-CBN news, nagbigay babala na rin ang Phivolcs sa Civil aviation na iwasan na ang pagdaan sa naturang lugar para maligtas sa posibleng disgrasya.

Patuloy na nakatutok ang Phivolcs sa sitwasyon ng Mt. kanlaon.

Bukod sa Kanlaon, maigting na binabantayan pa rin ng Phivolcs ang Taal at Mayon na kasalukuyan pa ring nasa alert level 2 o nasa “moderate level of unrest.”

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Marami ang nabigla sa kasalang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Pero mas lalo umingay ang balitang ito dahil sa nanay ni Sarah na si Mommy Divine. Ano kaya ang mga naging reaction ng mga taong bayan at ano kaya ang kanilang payo sakanilang tatlo. Ikaw, anong reaction mo?

What People Think About Sarah-Divine Issue | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel