Factory sa Thailand, nahuling nire-recycle ang mga gamit na face masks

Factory sa Thailand, nahuling nire-recycle ang mga gamit na face masks

-Libo-libong gamit na face masks ang nakumpiska ng mga awtoridad sa Thailand sa isang factory doon

-Anim na trabahador doon ang naaktuhang inaayos at pinaplantsa pa ang mga gamit na face masks para magmukha itong bago

-Isang washing machine rin diumano ang nakita ng mga awtoridad sa lugar na ginagamit para linisin ang mga face masks

-Ayon sa mga suspek, isang dealer umano ang nagdadala sa kanila ng mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Libo-libong gamit na face masks ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isang factory sa Nongsuong, Thailand.

Ayon sa ulat ng The Nation Thailand at Thailand Medical News, ibinebenta umano sa merkado ang mga ito.

Anim na trabahador doon ang naaktuhang inaayos, pinaplantsa at inilalagay sa kahon ang mga gamit na face masks para magmukha itong bago.

Isang washing machine rin diumano ang nakita ng mga awtoridad sa lugar na ginagamit para linisin ang mga face masks.

Sabi ni Somsak Kaewsena, chief officer ng Wihandaeng district, ni-raid nila, kasama ang mga pulis, ang naturang factory matapos makatanggap ng impormasyon.

Ayon sa mga suspek, isang dealer umano ang nagdadala sa kanila ng mga ito ngunit hindi raw alam ng mga ito kung saan nagmula ang mga gamit na face masks.

“Workers said they got paid at Bt1 per piece, while they recycled around 300-400 masks per day per person," ayon kay Somsak.

Nagpadala na rin daw sila ng ilang samples ng mga nakumpiskang face masks sa Ministry of Commerce para malamang kung saan ito nagmula.

Nakakalungkot lang na sa gitna ng lumalalang laban ng buong mundo laban sa nakamamatay na coronavirus ay mayroon pa ring mga taong sinasamantala ang sitwasyon.

Sa Pilipinas, ilang beses na rin naiulat ang kakulangan ng supply ng face masks. Kasunod ito ng abiso ng Department of Health at World Health Organization na magsuot nito lalo na sa mga mataong lugar para makaiwas sa pagkalat ng COVID-19.

Sa kabuuan mayroon nang 119,186 confirmed cases at 4,298 na ang nasawi dahil sa deadly disease na ito.

Sa Pilipinas, nasa 33 na ang kinumpirma ng DOH na kaso ng coronavirus.

Sa isa pang ulat ng KAMI, isang TV channel sa Italy ang naglabas ng 'rare footage' sa isang ICU sa isang ospital sa Cremona kung saan ipinakita ang lagay ng mga pasyenteng tinamaan ng coronavirus.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

GMA's newest series "Descendants of the Sun," which is an adaptation of a hit Korean series premiered on February 10. Its cast including Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Jasmine Curtis-Smith, and Rocco Nacino talked about their series in an interview with KAMI. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel