TV channel sa Italy, ipinakita ang lagay ng ilang coronavirus patients sa ICU

TV channel sa Italy, ipinakita ang lagay ng ilang coronavirus patients sa ICU

-Sa pamamagitan ng isang 'rare footage', ipinakita ng isang TV channel sa Italy ang aktwal na pagbabantay sa mga pasyenteng tinamaan ng coronavirus doon

-Kuha ito sa ICU ng isang ospital sa Cremona sa northern Italy

-Ibinahagi rin dito ang 'round the clock' na pagbabantay ng mga medical staffs sa mga pasyente

-Sa Italy ang may pinakamaraming naitalang kaso ng coronavirus sa labas ng Asia

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa pamamagitan ng isang 'rare footage', ipinakita ng Italian television channel na La7 ang aktwal na pagbabantay sa mga pasyenteng tinamaan ng coronavirus doon, ayon sa ulat ng Reuters.

Kuha ito sa ICU ng isang ospital sa Cremona sa northern Italy.

Ibinahagi rin dito ang 'round the clock' na pagbabantay ng mga medical staffs sa mga pasyente.

Samantala, sa isang ulat ng AFP News Agency, isang tent naman sa labas ng Cremona hospital ang itinayo para matignan ang mga mamamayang nakararanas ng sintomas ng COVID-19.

Dito, isinasagawa ang primary examinations sa mga taong nagpakita ng sintomas.

Base sa pinakahuling update, mayroon nang 10,149 kaso ng coronavirus sa Italy at 631 na ang nasawi.

Sa Italy ang may pinakamaraming naitalang kaso ng coronavirus sa labas ng Asia.

Sa isa pang ulat ng KAMI, isang Pinay OFW ang sinaktan ng isang Italyano matapos itong mapagkamalang Chinese.

Sa kabuuan mayroon nang 119,186 confirmed cases at 4,298 na ang nasawi dahil sa deadly disease na ito.

Sa Pilipinas, nasa 33 na ang kinumpirma ng Department of Health na kaso ng coronavirus.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

GMA's newest series "Descendants of the Sun," which is an adaptation of a hit Korean series premiered on February 10. Its cast including Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Jasmine Curtis-Smith, and Rocco Nacino talked about their series in an interview with KAMI. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel