Pinay OFW sa Switzerland na positibo sa COVID-19, binahagi ang kanyang karanasan

Pinay OFW sa Switzerland na positibo sa COVID-19, binahagi ang kanyang karanasan

- Isang Pinay sa Switzerland ang buong tapang na binahagi ang kanyang karanasan sa pagkakaroon ng kinatatakutang COVID-19

- Nagsimula lamang daw ito sa pananakit ng ulo, panunuyo ng lalamunan at lagnat

- Maswerte siyang natulungan ng kanyang amo na magpagamot at ito rin ang nagbayad ng kanyang test upang malaman kung tinamaan na nga ba siya ng COVID-19

- Kasalukuyan siyang naka-confine sa ospital at patuloy ang kanyang pagpapagaling

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinag-uusapan ngayon an video ng isang Pinay OFW sa Switzerland kung saan binahagi niya ang kanyang dinaranas ngayon bilang isa siya sa tinamaan ng Corona Virus Disease 2019.

Binahagi ng netizen na si Florz Fmb ang video ng nagpakilalang si Lisa Sol Magsino na kasalukyang nasa ospital ng Switzerland dahil nagpositibo siya sa COVID-19.

Kwento ni Lisa, nagsimula lamang ang kanyang karamdaman ng sumakit ang kanyang ulo.

Bukod dito, nakaramdam din daw siya ng panunuyo ng lalamunan at lagi siyang uhaw na uhaw.

Sumunod na daw dito ang pagkakaroon niya ng lagnat. Doon, naalarma na ang kanyang amo at sinamahan na siya sa ospital.

Maswerte siyang pinagmalasakitan ng kanyang amo na ipa-test kung siya ba ay may COVID-19 at ito na rin ang nagbayad ng kanyang gastusin sa ospital.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Habang hinihintay nila ang resulta, di na rin muna siya pinagtrabaho ng amo.

Nawala rin ang lagnat ni Lisa bago paman daw dumating ang resulta.

Ngunit nang makuha ito ng kanyang amo, tinawagan na lamang siya nito sa telepono at sinabing kailangan niyang bumalik sa ospital dahil lumabas na positibo nga siya sa COVID-19.

Tila nagulat pa raw si Lisa dahil hindi siya pala-labas ng bahay nila.

Lagi lamang daw siyang naiiwan sa bahay kaya di niya akalaing siya pa ang tatamaan ng naturang virus.

Suspetsa niya, maaring isa sa mga naging bisita ng kanyang amo ang nakahawa sa kanya.

Nabanggit din niya na walang kasiguraduhan na ang pagsusuot ng mask ay nangangahulugang mas ligtas ka na sa kinatatakutang virus.

Payo pa ni Lisa, ugaliin na talaga ang paghuhugas ng kamay at paglilinis ng kapaligiran. Mas mainam na paraan daw ang mga ito upang kahit na paano'y maging ligtas COVID-19 na laganap na sa buong mundo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok dance challenges are taking over social media. HumanMeter is on point as always asking passers-by to dance to famous songs together with our host Andre!

TikTok Challenge In Public: Come And Dance With Me! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel