Mga 'menor de edad' na gumagala sa mataong lugar, ihahatid pauwi ng mga pulis

Mga 'menor de edad' na gumagala sa mataong lugar, ihahatid pauwi ng mga pulis

- Ihahatid pauwi ng mga pulis ang mga menor de edad na makikitang gumagala sa mga matataong lugar tulad ng malls sa Metro Manila lalo na at suspendido hanggang Marso 14 ang klase sa lahat ng antas sa nasabing lugar

- Marso 9 nang kinansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang klase kaugnay sa pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa bansa

- Mismong ang presidente na ang nagsuspinde ng klase upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral at maiwasan ang pagkalat pa ng virus lalo na at ang paaralan ang isa sa matataong lugar sa araw-araw

- Pinaalalahanan din ang mga magulang na huwag na munang palabasin ang mga anak at manatili na muna sa kanilang mga tahanan upang doon muna mag-aral

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinabi ni NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas na ang sinumang menor de edad na makikitang lumalaboy o gumagala lamang sa mga matataong lugar tulad ng mall ngayong suspendido ang mga klase, ay ihahatid ng mga pulis pauwi sa kani-kanilang mga tahanan.

Nalaman ng KAMI na ang paghahatid na ito ang nakikitang paraan ng pulisya upang maipatupad ang panantili ng mga estudyante partikular na ang mga menor de edad sa kanilang mga bahay sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng Coronavirus disease 2019 sa bansa.

Marso 9 nang kinansela na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang klase sa lahat ng antas upang masiguro ang kalusugan ng mga mag-aaral.

Ayon sa Philippine Star, pinaalalahanan din ang mga magulang na huwag nang palabasin ang mag anak at kaya nga kinansela ang klase ay upang manatili na lamang sila sa bahay.

Isa rin kasi ito sa nakikita nilang paraan upang mabawasan ang pagkalat ng kinatatakutang virus.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Base sa ulat ng GMA news, ang mga estudyanteng 18 pataas na ang edad at ang mga batang kasama naman ang magulang o sinumang nakatatanda ay hindi na lalapitan pa ng mga pulis.

Matapos na tumaas ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa 20 noong Lunes, Marso 9 ng hapon, nauna nang nagdeklara ng suspensyon ng klase si Manila Mayor Isko Moreno sa pamamagitan ng live streaming sa kanya mismong Facebook page.

Kinagabihan, nadagdagan muli ng 4 ang 20 na pasyente at doon nagpatawag na ng press conference ang pangulo kaugnay sa COVID-19.

Ayon pa sa CNN, makikipag-ugnayan muli ang pangulo sa DOH sa Sabado, Marso 14 kung kinakailangan pa muli nitong kanselahin ang klase o balik paaralan na ang mga mag-aaral sa susunod na linggo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok dance challenges are taking over social media. HumanMeter is on point as always asking passers-by to dance to famous songs together with our host Andre!

TikTok Challenge In Public: Come And Dance With Me! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel