33 hindi 35: DOH, nilinaw ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa

33 hindi 35: DOH, nilinaw ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa

- Binigyang linaw ni DOH Assistant Secretary Dr. Maria Rosario S. Vergeire na hindi 35 kundi 33 ang kasalukuyang bilang ng pasyenteng may COVID-19 sa bansa

- Siyam ang nadagdag sa huling bilang na 24 nitong Marso 9

- Ang nabanggit na bilang na 11 ay pawang mga samples at hindi cases at ito'y inulit lamang mula sa tests na isinagawa noong Marso 7 at 8

- Binanggit din ang mga ospital kung saan naroon ang mga pasyenteng may case number 21 hanggang case number 33

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

33 at hindi 35 ang huling bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus disease 2019 sa bansa.

Sa isinagawang press briefing ni DOH Assistant Secretary Dr. Maria Rosario S. Vergeire ngayong Marso 10, nilinaw niyang ang siyam lamang ang nadagdag sa huling bilag ng nag-positibo sa COVID-19 bago matapos ang araw ng Marso 9.

Sa ulat ng GMA News, ang nabanggit ng Department of Health na bilang 11 ay pawang mga samples.

Dalawa sa mga ito ay 'repeat tests' na sapagkat nagsagawa na sa mga pasyenteng ito ng tests noong Marso 7 at 8.

Binahagi naman ng Philippine Star ang listahan ng mga ospital kung saan naka-admit ang mga pasyente mula case number 21 hanggang case number 33.

Si COVID-19 patient number 21 ay kasalukuyang nasa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium.

Si COVID-19 patient number 22 ay naka-admit sa Cardinal Santos Medical Center habang ang patient number 23 ay nasa San Lazaro Hospital.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nasa St Luke’s Medical Center sa Quezon City naman ang patient number 24 at ang patient number 25 at 26 ay nasa New Clark City Quarantine Facility.

Ang natitirang pasyente mula 27-33 naman ay nasa The Medical City.

Ayon sa ABS-CBN News, stable na ang kondisyon ng COVID-19 patients number 21 hanggang 24 habang ang case number 25 at 26 naman ay 'asymptomatic' o walang pinakikitang sintomas.

Marso 9 ng gabi nang maglabas ng 'summary of cases' ang DOH mula patient case number 1 hanggang 20.

Ngunit makalipas ang halos isang oras, nadagdagan agad ang bilang nito ng 4 kaya bago matapos ang araw na iyon, 24 na ang huling bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa bansa.

Dahil dito, sinuspinde na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang klase sa lahat ng antas mula Marso 10 hanggang 14 upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral at upang maiwasan na rin ang pagkalat pa ng virus bilang ang paaralan ay isa sa may pinakamaraming tao araw-araw.

Narito ang kabuuan ng isinagawang press briefing ng DOH bandang alas singko ng hapon ng Marso 10.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok dance challenges are taking over social media. HumanMeter is on point as always asking passers-by to dance to famous songs together with our host Andre!

TikTok Challenge In Public: Come And Dance With Me! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel