Viral sekyu na nag-uulam ng chichirya, kahanga-kahanga ang pagiging ama

Viral sekyu na nag-uulam ng chichirya, kahanga-kahanga ang pagiging ama

- Matapos mag-viral ang isang security guard na naispatang nag-uulam ng chichirya, marami na ang humanga rito

- Sa pamamagitan ng Kapamilya show na Rated K ay nagkaroon pa ng pagkakataon na mas makilala ito

- Tulad ng sinabi nito sa viral na post sa Facebook kung saan ito unang umantig sa damdamin ng marami, para sa pamilya ang kanyang pagsasakripisyo

- At bagamat hindi naman palagi kung siya ay mag-ulam ng chichirya, may mga pagkakataon daw na ito talaga ang kanyang inuulam para makatipid

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umantig sa puso ng marami ang viral post sa Facebook kung saan ibinahagi ang larawan ng isang security guard na nag-uulam ng chichirya, na una nang naiulat ng KAMI.

Sa pamamagitan ng Kapamilya show na Rated K ay nagkaroon pa ng pagkakataon na mas makilala ito.

Si Aries Abas, 40-anyos at security guard sa isang mall sa Davao. Lima ang anak nito na nasa Cotabato, kasama ang misis nito.

Tulad ng sinabi nito sa viral na post sa FB kung saan ito unang umantig sa damdamin ng marami, para sa pamilya ang kanyang pagsasakripisyo.

Pangarap nito na mapagtapos ng pag-aaral ang kanyang mga anak.

Samantala, ang kanyang pamilya, wala palang kaalam-alam sa pag-uulam nito ng chichirya.

Labis na nalungkot ang mga ito para sa kanilang padre de pamilya.

Sabi naman ni Aries, bagamat hindi naman palagi kung siya ay mag-ulam ng chichirya, may mga pagkakataon daw na ito talaga ang kanyang inuulam para makatipid.

Sa kanyang sweldo na P8,000 kada buwan, halos lahat daw ay ipinapadala niya sa pamilya.

Tunay nga na walang makakapantay sa sakripisyo ng isang magulang para sa kanilang mga anak.

Tulad na lamang ni Aries na handang isakripisyo ang lahat, masiguro lamang ang kinabukasan ng kanyang mga supling.

Kahanga-hanga ang isang tulad nito na nagsilbing inspirasyon sa marami sa atin.

Mula sa KAMI, saludo kami sa'yo tatay Aries!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

GMA's newest series "Descendants of the Sun," which is an adaptation of a hit Korean series premiered on February 10. Its cast including Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Jasmine Curtis-Smith, and Rocco Nacino talked about their series in an interview with KAMI. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel