Pinay OFW sa Italy na napagkamalang Chinese, binatukan ng 1 Italyano

Pinay OFW sa Italy na napagkamalang Chinese, binatukan ng 1 Italyano

- Isang overseas Filipino worker ang sinaktan ng isang Italyano sa Italy matapos itong mapagkamalang Chinese

- Ayon kay Khloe Sison, pauwi na siya galing sa trabaho nang mangyari ang insidente

- Sabi pa ni Sison, madalas na din daw siyang makatanggap ng masasakit na salita sa gitna pagkalat ng coronavirus

- Labis na apektado na rin daw ang trabaho ng mga Pinoy doon dahil sa outbreak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang overseas Filipino worker (OFW) sa Italy ang binatukan ng isang Italyano matapos itong mapagkamalang Chinese.

Ayon kay Khloe Sison, pauwi na siya galing sa trabaho nang mangyari ang insidente. Nagta-trabaho ito sa isang Pizza store sa Milan.

"Umuwi po ako isang gabi galing work, ako po ay sinaktan ng isang Italyano dito gawa ng napagkamalan po akong Chinese... Binatukan po ako," anito sa isang panayam ng CNN Philippines.

Sabi pa ni Sison, madalas na din daw siyang makatanggap ng masasakit na salita sa gitna pagkalat ng coronavirus sa Italy.

Sa Italy ang may pinakamaraming kasong naitala sa labas ng Mainland China. Mayroong 5,883 kaso at 233 dito ang namatay.

Gusto na rin daw umuwi ni Sison kasama ng iba pang mga Pinoy doon ngunit walang magawa dahil sa travel ban doon.

Dagdag pa nito, labis na apektado na rin ang trabaho ng mga Pinoy doon dahil sa outbreak.

Anito, may mga Pinoy na binabawasan ang oras ng trabaho roon at mayroon ding hindi na pinapapasok ng kanilang employer.

“Lahat po ng trabaho namin ay apektado. Hindi na po pinapapasok ng kanilang mga amo dahil takot pong mahawaan ng virus o kaya sila din ay walang trabaho, walang pambayad,” anito.

Sa isa pang ulat ng KAMI, isang Vietnamese heiress ang nagpositibo sa COVID-19 matapos pumunta sa Italy para sa fashion week.

Sa Pilipinas, 24 na ang kumpirmadong kaso ng coronavirus ayon sa Department of Health.

Nagdeklara na rin si Pangulong Rodrigo Duterte ng state of public health emergency sa bansa.

Ilang mambabatas naman ang nagsuhestiyon na i-lockdown na ang buong Metro Manila. Pero ayon sa DOH, masyado pang maaga para rito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

GMA's newest series "Descendants of the Sun," which is an adaptation of a hit Korean series premiered on February 10. Its cast including Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Jasmine Curtis-Smith, and Rocco Nacino talked about their series in an interview with KAMI. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel