24 na! Kumpirmadong kaso ng COVID-19 nadagdagan pa muli ng 4

24 na! Kumpirmadong kaso ng COVID-19 nadagdagan pa muli ng 4

- Bago matapos ang Marso 9, nadagdagan pa muli ng apat ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa

- Pawang mga taga-Metro Manila pa rin ang mga ito base sa nabanggit mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte

- Minabuti na rin ng pangulo na magsuspinde ng klase sa lahat ng antas upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral

- Tatlo sa mga bagong kaso na ito ay pawang mga walang travel history at nangangahulugang nakuha lamang ang virus sa bansa

Sa isinagawang press conference ni Presidente Rodrigo Duterte sa gabi ng Marso 9 kaugnay ng Coronavirus 2019, inanunsyo na niya agad na nadagdagan pa muli ng apat ang huling bilang nito na 20.

Ayon sa CNN, nabanggit din ng pangulo na ang apat ay mula pa rin sa Metro Manila.

Mayroong nasa West Crame, Bulacan, Project 6 Quezon City at isa muli galing San Juan.

Tatlo sa mga ito ay walang travel history kaya naman mas lalong pinaigting ang contact tracing sa mga nakasalamuha nila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa ulat ng GMA may kabuuang bilang na 468 ang nakasalamuha ng mga unang anim na pasyente ng COVID-19 sa nasa.

Sinabing kinansela na rin ng pangulo ang klase sa lahat ng antas upang masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante sa di inaasahang pagkalat ng COVID-19 sa bansa basa sa ulat ng Inquirer.

Muling magkakaroon ng press conference sa Sabado, Marso 14 upang makapag-anunsyo muli ang pangulo kung sapat na ang limang araw para kanselahin ang klase.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok dance challenges are taking over social media. HumanMeter is on point as always asking passers-by to dance to famous songs together with our host Andre!

TikTok Challenge In Public: Come And Dance With Me! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel