Pangulong Duterte, kinansela na ang klase mula Marso 10-14 sa NCR

Pangulong Duterte, kinansela na ang klase mula Marso 10-14 sa NCR

- Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagkansela ng klase sa National Capital Region mula Marso 10-14

- Ito ay upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral at upang obserbahan na rin ang sitwasyon ng mga ito sa loob ng isang linggo lalo na at patuloy na tumataas ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa

- Nabanggit din kasi ng pangulo na bago matapos ang araw ng Marso 9, muling nadagdagan ng 4 ang dating 20 lamang na nagpositibo sa virus

- Marso 14, muling mag-aanunsyo si Pangulong Duterte kung sapat na ang 5 araw na suspensyon ng klase kaugnay ng sitwasyon ng COVID-19 sa bansa partikular na sa Metro Manila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humarap sa publiko si Pangulong Rodrigo Duterte sa isang press conference na isinagawa kaugnay na kasalukuyang sitwasyon ng Cornonavirus disease 2019 sa bansa.

Binahagi ng GMA news ang naturang video kung saan inanunsyo na agad ng presidente ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa buong National Capital Region.

Sa inilabas na 'summary of cases' ng DOH, lumalabas na ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay pawang nasa Metro Manila.

Kaya upang masiguro raw ang kaligtasan ng mga mag-aaral at para na rin ma-obserbahan ang kanilang mga kalagayan, minabuti na ng pangulo na gawing limang araw ang kanselasyon ng klase.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Base sa ulat ng CNN, bagaman at may ilang ahensya na tumututol sa desisyon na ito ng pangulo, pina-aalalahanan na lamang niya ang mga magulang na patuloy pa ring pag-aralin ang mga anak kahit nasa bahay.

Nabanggit din ng pangulo na magkakaroon muli ng press briefing sa Sabado, Marso upang mag-anunsyo kung may pasok na ba muli o wala pa.

Naibahagi ng Inquirer na hapon ng Marso 9 agad na umakyat na sa 20 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 ngunit bago matapos ang araw ay nadagdagan pa muli ito ng apat.

Narito ang kabuuan ng video:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok dance challenges are taking over social media. HumanMeter is on point as always asking passers-by to dance to famous songs together with our host Andre!

TikTok Challenge In Public: Come And Dance With Me! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel