170 na nakasalamuha ng pasyenteng may COVID-19 sa Pangasinan, naka-quarantine na

170 na nakasalamuha ng pasyenteng may COVID-19 sa Pangasinan, naka-quarantine na

- Bagaman at nag-negatibo sa unang test na isinagawa sa kanila, minabuting obserbahan pa rin ang nasa 170 na nakasalamuha ng isang Filipino-Australian na nagpositibo sa COVID-2019

- Karagdagang isang linggo ang pag-quarantine sa kanila upang masigurong hindi magbabago ang resulta ng unang test na isinagawa sa kanila

- Dumalo ng class reunion ang Filipino-Australian Dagupan City at nang makabalik sa Australia noong Marso 3, lumabas na positibo ito sa COVID-19

- Mas lalong naging mabusisi ang DOH sa isinasagawang contact tracing sa lahat ng nakahalubilo ng kumpirmadong pasyente ng naturang virus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Natukoy na ang 170 na kataong nakasalamuha ng Pinay na positibo sa Coronavirus disease 2019 sa Pangasinan.

Ayon sa ABS-CBN news, dumalo isang Reunion sa Dagupan city ang Pinay kaya marami-raming bilang ng tao ang nakahalubilo nito.

Nalaman ng KAMI na Marso 3 nang makumpirmang may COVID-19 na pala ang Pinay kung kailan nakabalik na siya sa Australia.

Sinabi ng gobernador ng probinsya ng Pangasinan na si Governor Amado Espino III na patuloy pa rin ang pangangalap nila ng kinaroroonan ng iba pang dumalo sa naturang pagtitipon.

Kasama sa mga patients under investigation o PUI ang isang 40-anyos na OFW sa Taiwan at ang isang limang taong gulang na mula naman sa Spain.

Pawang kinakitaan ang mga ito ng sintomas ng virus kaya naman inilagay ang mga ito sa quarantine.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, binahagi ng GMA news ang listahan ng summary of cases na inilabas ng DOH upang mabilis na makita ang mga importanteng impormasyon tungkol sa mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Kapansin-pansin sa listahan na dumarami na ang mga Pilipinong tinatamaan ng sakit na ito at ang masaklap ay mga produkto na sila ng local transmission.

Dahil sa may kasalukuyang bilang na 20 ang mga positibo sa COVID-19 sa bansa, una nang naibalita ng KAMI na minabuti na ng ilang mga lungsod sa Kamaynilaan na magkansela na ng klase.

Palala ng Department of Health, ugaliin ang paghuhugas ng kamay at iwasan ang paghawak madalas sa mukha partikular na ang bibig, mata at ilong kung saan mas madaling mapapasok ng virus ang katawan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok dance challenges are taking over social media. HumanMeter is on point as always asking passers-by to dance to famous songs together with our host Andre!

TikTok Challenge In Public: Come And Dance With Me! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel