DOH, naglabas ng 'summary of cases' ukol sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa

DOH, naglabas ng 'summary of cases' ukol sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa

- Naglabas ang DOH ng summary of cases ng 20 na kumpirmadong nag-positibo sa Coronavirus disease 2019

- Nakasaad dito ang mga imortanteng detalye tungkol sa pasyente tulad ng nasyunalidad at kung saang ospital sila naka-confine

- Wala pang 24 oras ang lumipas, agad na nadagdagan ng 10 ang naunang 10 na kumpirmadong kaso ng COVID-19

- Karamihan sa mga ito ay mga Pilipino at lima sa kanila ay walang travel history o di nangibang bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos na i-anunsyo ng Department of Health ang sampung karadagang kaso ng Coronavirus disease 2019 ngayong Marso 9, agad na naglabas din sila ng summary of cases ng mga pasyenteng ito.

Makikita sa listahan ang mga importanteng detalye tungkol sa mga nagpositibo sa COVID- 2019 sa bansa.

Nalaman ng KAMI na karamihan na sa mga tinamaan ng virus ay pawang mga Pinoy.

Ang ilan pa sa kanila ay walang travel history o di lumabas ng bansa. Ito ngayon ang masusing binabantayan ng DOH dahil ito ay local transmission na kung saan pinaniniwalaang malaki ang posibilidad na mas mabilis ang paglaganap nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Makikita rin sa naturang listahan na nasa limang pasyente ang kasalukuyang naka-admit sa makati Medical Center.

Base sa ulat ng GMA News, mas lalo pang pinaigting ng DOH ang kanilang isinasagawang contact tracing upang matukoy ang iba pang posibleng nakasalamuha ng mga taong tinamaan ng naturang virus.

Panay din ang paalala ng ahensya na ugaliing maghugas ng kamay at iwasan ang madalas ng paghawak sa mukha partikular na sa mata, ilong at bibig.

Narito ang 'summary of cases' ng DOH na binahagi rin ng ABS-CBN News:

Samantala, ilan sa mga lungsod sa Kamaynilaan na may kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay nagkansela na ng klase. Una na itong naiulat ng KAMI.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok dance challenges are taking over social media. HumanMeter is on point as always asking passers-by to dance to famous songs together with our host Andre!

TikTok Challenge In Public: Come And Dance With Me! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel