Ilang lugar sa Metro Manila, nagsuspinde na ng klase sa pagdami ng kaso ng COVID-19

Ilang lugar sa Metro Manila, nagsuspinde na ng klase sa pagdami ng kaso ng COVID-19

- Umakyat na sa 20 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa

- Dahil dito, nagsuspinde na ng klase ang ilang lungsod sa Kamaynilaan para sa kaligtasan ng mga mag-aaral

- Ito ay upang maayos din nilang maisagawa ang mga preventive measures ng kani-kanilang lugar

- Karamihan sa mga ito ay tatagal ang suspensyon mula 3 hanggang limang araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos kumpirmahin ng Department of Health ang sampung karagdagang kaso ng Coronavirus disease 2019, mabilis na nagkansela na rin ng klase sa iba't ibang lungsod sa Metro Manila.

Nalaman ng KAMI na minabuti nang suspendihin ang mga klase sa mga lugar na ito para na rin umano sa kaligtasan ng mga esudyante.

Bukod dito, agad na magsasagawa ng preventive measures ang mga lokal na pamahalaan tulad ng paglilinis, pagdi-disinfect at pag-sanitize ng kanilang nasasakupan.

Narito ang mga lugar na nagsuspinde ng klase mula Marso 10 at ang ilan ay tatagal pa hanggang limang araw:

  • Manila City — all levels, public and private (hanggang Marso 15)
  • Caloocan City — all levels, public and private (hanggang Marso 11)
  • Pasay City — all levels, public and private
  • Cainta, Rizal — all levels, public and private
  • Marikina City — all levels, public and private (hanggang Marso 11)

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa naunang ulat ng KAMI, iminungkahi ni Navotas Mayor Toby Tiangco na ipasa na ang mga estudyante sa panuruang taong 2019-2020 at magkaroon na lamang ang mga ito ng maagang bakasyon.

Isang paraan daw ito upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral at makaiwas na rin sa paglaganap ng COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok dance challenges are taking over social media. HumanMeter is on point as always asking passers-by to dance to famous songs together with our host Andre!

TikTok Challenge In Public: Come And Dance With Me! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel