20 na! Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa nadagdagan pa ng 10, ayon sa DOH

20 na! Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa nadagdagan pa ng 10, ayon sa DOH

- Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang sampung karadagan pang kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa

- Wala pang 24 oras mula nang i-anunsyo ng naturang departamento ang apat na karagdagan sa nauna nang 6 na kumpirmadong kaso ay mabili na nadagdagan ito ng sampu

- Nagsimula nang magkansela ng klase ang ilang mga lungsod upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral

- Nagsasagawa na rin ng mga paglilinis, pag-sanitize at pag-disinfect ang karamihan ng lugar sa Metro Manila kung saan naroon ang mga nai-ulat na kaso ng COVID-19 sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na umakyat na sa 20 ang kumpirmadong kaso ng Coronavirus disease 2019 sa bansa.

Sa isinagawang press briefing ng Department of Health, hapon ng Marso 9, inanunsyo nito ang 10 pang karagdagang pasyente na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa DOH, isinagawa ang testing sa mga pasyente noong Marso 6 hanggang 8 at lumabas ang resulta ngayong araw, Marso 9.

Ang Epidemiology Bureau (EB) ng DOH ay patuloy na nagsasagawa ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng kumpirmadong pasyente lalo pa at mabilis na umaakyat ang bilang ng mga nagpositibo sa kinatatakutang virus.

Sa ulat ng Philippine Star, may 32 katao na ang kumunsulta sa doktor ay sila ay pawang nakasama ng 62-anyos na ikalimang kaso ng COVID-19 na nakumpirma nitong Sabado, Marso 7.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sila ang mga nakasalamuha ng pasyente sa 'prayer room' sa San Juan na madalas nitong puntahan.

Ayon sa GMA News, matapos na magsagawa ng press briefing ng DOH ipinaubaya naman ng ahesya ang pagpapa-press conference ng mga LGU's kaugnay sa mga hakbang na gagawin ng kani-kanilang lugar.

Tulad na lamang ng Lungsod ng Maynila kung saan agad na nagkansela na ng klase na tatagal ng nasa isang linggo.

Narito ang kabuuan ng press briefing ng DOH:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok dance challenges are taking over social media. HumanMeter is on point as always asking passers-by to dance to famous songs together with our host Andre!

TikTok Challenge In Public: Come And Dance With Me! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel