Mga ospital kung saan naka-admit ang 4 pang kaso ng COVID-19, inanunsyo ng DOH

Mga ospital kung saan naka-admit ang 4 pang kaso ng COVID-19, inanunsyo ng DOH

- Kinupirma ng Department of Health ang apat pang karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa

- Ipinaalam din ng DOH sa publiko ang mga ospital kung saan kasalukuyang naka-admit ang apat na pasyenteng bumuo sa 10 kumpirmadong kaso sa bansa

- Isa sa apat na ito ay mula sa Quezon City na inanunsyo na rin mismo ng kanilang alkalde

- Dalawa sa kanila ay pawang nagbiyahe mula sa ibang bansa habang ang dalwa pa ay walang travel history tulad ng mag-asawa na ikalima at ikaanim na kaso ng COVID-19 sa Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ipinagbigay alam na ng Department of Health sa publiko ang mga ospital kung saan kasalukuyang naka-admit ang apat na bagong kaso ng Coronavirus disease 2019 sa bansa.

Ang apat na ito ay pawang mga nasa pribadong ospital sa Metro Manila.

Sa Facebook page ng Department of Health, Marso 7 isinagawa ang test at inilabas ang resulta ng apat na ito nitong Linggo ng gabi, Marso 8.

Base sa ulat ng CNN, ang lahat ng bagong kaso na ito ay nagpakita lamang ng 'mild symptoms' ng COVID-19.

Ang nakaalarma pa rito, isa sa apat na karagdagang kaso ay walang travel history kaya nangangahulugang panibagong kaso muli ito ng localized transmission ng naturang virus.

Ayon kay Duque, ang 32-anyos na nagbiyahe mula Japan ay kasalukuyang nasa St Luke's Medical Center sa Taguig.

Ang 86-anyos na American na nagmula pa sa USA at South Korea ay naka-admit sa Medical City Ortigas habang ang 38 taong gulang na Taiwanese at di lumabas ng bansa ay nasa Makati Medical Center.

Wala ring travel history 57-anyos na Pinoy na kasalukuyan namang nasa St. Luke's Quezon City.

Sa panayam ng ABS-CBN kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, kinumpirma nitong mula sa District 1 ng kanilang lungsod ang isa sa mga bagong pasyenteng tinamaan gn COVID-19.

Kasalukuyan nang 10 ang kaso ng COVID-19 sa bansa. Sa naunang ulat ng KAMI, idineklara na rin ni Pangulo Rodrigo Duterte ang nationwide Public Health Emergency matapos na irekomenda ito ng DOH.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok dance challenges are taking over social media. HumanMeter is on point as always asking passers-by to dance to famous songs together with our host Andre!

TikTok Challenge In Public: Come And Dance With Me! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel