GSW, nilinaw na flu ang tumama kay Stephen Curry at hindi coronavirus

GSW, nilinaw na flu ang tumama kay Stephen Curry at hindi coronavirus

- Nilinaw ng Golden State Warriors na walang coronavirus ang NBA superstar na si Stephen Curry

- Sa isang statement na inilabas ng PR ng GSW, sinabi rito na ang tumamang sakit kay Curry ay influenza A

- Mahigpit din daw ang kanilang paghahanda laban sa deadly virus at hindi hahayaang malagay sa kapahamakan ang buong team at maging ang mga fans

- Sumailalim na rin sa treatment si Curry alinsunod sa kanilang team protocol

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nilinaw ng NBA team na Golden State Warriors na walang coronavirus si Stephen Curry.

Sa isang statement na inilabas ng PR ng GSW, sinabi rito na ang tumamang sakit kay Curry ay influenza A at sumailalim na raw ito sa treatment alinsunod sa kanilang team protocol.

"This morning Stephen Curry was diagnosed with influenza A by a positive viral testing," ayon sa statement.

"We have identified his probable source contact who is not part of basketball operations. He has no specific risk factors for COVID-19. He has seasonal flu. We have begun treatment for Stephen and instituted our team protocol for influenza exposure."

Sabi naman ng coach ng team na si Steve Kurr, sumailalim na rin sa test para sa coronavirus si Curry, ayon sa report ng NBC Sports.

Sa kabila nito, sinabi rin ng GSW na mahigpit ang kanilang paghahanda laban sa deadly virus at hindi hahayaang malagay sa kapahamakan ang buong team at maging ang mga fans.

Sa Pilipinas, 10 na ang kinumpirmang kaso ng COVID-19 ayon sa Department Of Health, na una nang naibalita ng KAMI.

Napag-alaman din ng KAMI na mayroon nang 107,936 confirmed cases ang deadly virus at 3,665 rito ay nasawi.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang ulat ng KAMI, isa namang Vietnamese heiress ang nagpositibo sa coronavirus matapos umattend ng ilang fashion shows sa Europe.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

GMA's newest series "Descendants of the Sun," which is an adaptation of a hit Korean series premiered on February 10. Its cast including Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Jasmine Curtis-Smith, and Rocco Nacino talked about their series in an interview with KAMI. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel