Lalaki, nagsuot ng palda para saklolohan ang kanyang kapatid na babae

Lalaki, nagsuot ng palda para saklolohan ang kanyang kapatid na babae

- Marami ang pumuri sa isang binata sa Cebu City matapos mag-viral ang post nito tungkol sa pagsusuot ng palda

- Kwento ng binata, isinuot niya ang palda upang saklolohan ang kanyang nakababatang kapatid na babae

- Hindi raw ito pwedeng kumuha ng college entrance exam nang naka-palda kaya naman to the rescue na si kuya

- Sa kanyang viral post, ilang cute na larawan ng dalawa ang ibinahagi nila habang nakasuot ng palda si kuya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang pumuri sa isang binata mula sa Cebu City matapos mag-viral ang post nito tungkol sa pagsusuot nito ng palda.

Mabilis na nag-viral ang post ng netizen na si Jann-marco Christian, 25 taong gulang at isang fashion designer.

Kwento ng binata, isinuot niya nag palda upang saklolohan ang kanyang nakababatang kapatid na babae na si Jea, 18.

Hindi raw kasi ito pwedeng kumuha ng college entrance exam nang naka-palda kaya naman to the rescue na si kuya.

“My sister has her entrance exam scheduled at 8 a.m. but we weren’t informed that skirts aren’t allowed, and everyone must be in their respective rooms by 7:50 am.

"The security and the one in-charge for student affairs refused to let her in without the permission of the head but time is ticking, so without hesitation, I volunteered to let her use my pants: She gave me her skirt and I gave her my pants,” anito sa isang panayam ng Cebu Daily News.

Wala na raw kasi silang sapat na oras para humanap pa ng ibang paraan ayon kay Jann.

Pero sulit naman ang kanyang sakripisyo dahil ayon dito ay maganda naman ang naging resulta ng exam ng kapatid.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa mahigit 30,000 ang reactions ng post ni Jann at mayroon na ring 19,000 shares sa Facebook.

Hindi raw nito inaasahan na magva-viral ang kanyang post dahil ang hangarin lamang daw nito noon ay ibahagi ang kanilang nakakatuwang karanasan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

GMA's newest series "Descendants of the Sun," which is an adaptation of a hit Korean series premiered on February 10. Its cast including Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Jasmine Curtis-Smith, and Rocco Nacino talked about their series in an interview with KAMI. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel