Binatang nakatulog sa Wowowin, nahuli ni Willie Revillame

Binatang nakatulog sa Wowowin, nahuli ni Willie Revillame

- Hindi inaasahan ng marami nang mahuli ni Willie Revillame ang isang estudyante na nakatulog habang nanonood ng live sa 'Wowowin'

- Laking-gulat pa ng binata nang gisingin siya nang mga katabi at mapagtantong nasa kanya na ang atensyon ng lahat

- Huli ng camera ang mahimbing nitong pagtulog na nakasandal pa sa katabi

- Pero sa kabila nito ay nag-uwi pa rin ito ng mga regalo at P1,000 mula kay kuya Wil

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Huli ang isang binatang estudyante habang natutulog sa studio ng Kapuso game show na Wowowin noong March 6, 2020.

Laking-gulat pa ng binata nang gisingin siya nang mga katabi at mapagtantong nasa kanya na ang atensyon ng lahat maging ng sikat na host ng show na si Willie Revillame.

Nahuli pa ng camera ang mahimbing nitong pagtulog na nakasandal pa sa katabi nitong kapwa-estudyante.

Nilapitan pa ito ni Willie Revillame at pabiro pa nitong sinabi na ginawang tulugan ng audience ang kanilang studio.

Pero sa kabila nito ay nag-uwi pa rin ng mga regalo ang estudyante at P1,000 mula kay kuya Wil na natawa na lamang sa nangyari.

Nang tanungin naman ni kuya Wil ang binata kung bakit ito inaantok, sinabi nitong maaga itong nagising dahil nagbantay ito ng pamangkin.

Narito naman ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"Tuwang tuwa kaming mag asawa."

"Ganyan kabait si kuya Wil."

"Pag ako nakabisita tulugan ko baka swertihin din."

"Maaga pa kasi sila dyan pumipila kaya nakakapagod talaga..saka malamig sa studio nakakaantok kaya siguro naka tulog si kuya."

"Wala antok niya. hahahah."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang ulat ng KAMI, pinayuhan ni kuya Wil ang isang Wowowin contestant na nanlamig daw ang BF isang araw matapos ang Valentine's Day.

POPULAR: Read more news about Willie Revillame!

Si Willie Revillame ay isang sikat na game show host, komedyante, singer, songwriter at businessman sa bansa.

Matatandaang dating Kapamilya si kuya Wil bago lumipat sa TV5 at napunta na nga sa GMA.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

GMA's newest series "Descendants of the Sun," which is an adaptation of a hit Korean series premiered on February 10. Its cast including Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Jasmine Curtis-Smith, and Rocco Nacino talked about their series in an interview with KAMI. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel