Vietnamese heiress, nagpositibo sa coronavirus pagkagaling sa Italy

Vietnamese heiress, nagpositibo sa coronavirus pagkagaling sa Italy

- Nagpositibo sa coronavirus ang isang Vietnamese heiress pagkagaling nito sa Europe

- Isa ito sa mga umattend sa mga luxury catwalk shows sa Milan at Italy para sa fashion week

- Nagpositibo rin ang kapatid nito na kasama nitong pumunta sa Europe

- Napag-alaman din na naka-self quarantine na ang mga pumunta sa nasabing events kabilang na ang mga top fashion editors at ilang mamimili

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpositibo sa coronavirus ang isang Vietnamese heiress na si Nga Nguyen, 27, pagkagaling nito sa Europe para umattend sa fashion week.

Ayon sa ulat ng South China Morning Post, ilan sa mga luxury fashion shows na pinuntahan nito ay ang Saint Laurent sa Paris at Gucci sa Milan.

Nagpositibo rin ang kapatid nito na kinilalang si Nguyen Hong Nhung, 26, na kasama nitong pumunta sa Europe.

Ayon sa isang Vietnamese media, ang dalawa ay anak ng isang steel magnate at nakabase sa Vietnam at London.

Ibinahagi rin ni Nga Nguyen ang kanyang naging pagbisita sa fashion week ngunit binura rin ito sa kanyang Instagram account.

Napag-alaman din na naka-self quarantine na ang mga pumunta sa mga nasabing events kabilang na ang mga top fashion editors at ilang mamimili sa mga department stores.

Ang Italy ang bansang may pinakamaraming naitalang kaso ng coronavirus sa labas ng Asia.

Sa Pilipinas, 10 na ang kinumpirmang kaso ng COVID-19 ayon sa Department Of Health, na una nang naibalita ng KAMI.

Napag-alaman ng KAMI na mayroon nang 107,936 confirmed cases ang deadly virus at 3,665 rito ay nasawi.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

GMA's newest series "Descendants of the Sun," which is an adaptation of a hit Korean series premiered on February 10. Its cast including Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Jasmine Curtis-Smith, and Rocco Nacino talked about their series in an interview with KAMI. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel