Babaeng nanghihingi ng tulong, nagreklamo dahil sa pagkaantala ng pagpapadala ng pera

Babaeng nanghihingi ng tulong, nagreklamo dahil sa pagkaantala ng pagpapadala ng pera

- Marami ang naimbyerna sa ibinahaging conversation sa pagitan ng isang donor at babaeng naghihintay ng tulong

- Umalma ang babae matapos maantala ang pagpapadala sa kanya ng pera gayong nauna na ang iba umano na mapadalhan

- Tinawag niya pang "paasa" ang taong nagmamagandang loob upang magbahagi ng biyaya sa mga nangangailangan

- Maraming mga pribadong grupo at tao ang gumawa ng paraan upang kahit papaano ay makatulong sa mga nahihirapan sa kasalukuyan dahil sa community quarantine

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi na nakatiis ang isang babae habang naghihintay ng tulong mula sa may-ari ng Sabrino Footwear. Tinawag niyang "paasa" ang taong nagmamagandang loob lamang upang magbahagi ng biyaya sa mga nangangailangan.

Aniya, napadalhan na ang ibang mga kagaya niyang nanghihingi ng tulong pero yung sa kanya ay wala pa rin.

Hindi naman ikinatuwa ng may-ari ng Sabrino Footwear ang naging asal ng ale at sinagot niya ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang hirap din tumulong misan sana lahat ng tinutulungan namen hindi kamukha ni ate. Parang kame pa masama at parang kasalanan namen bakit po sya naihirapan ngayon. Ang dame nyo pong tinutulungan namen sana maging mainahon lahat dahil misan dina kame natutulog para lang ma cater kayong lahat. Sa kabila ng pagtulong gastos puyat inihinda namen tapos ito lang makukuha namen.

Sa kabila ng hirap na dinaranas ng maraming mamayan, may mga pribadong grupo at tao ang nagpasyang magbigay ng tulong. Mula sa pagkain hanggang sa face mask, marami ang boluntaryong nagbabahagi ng kanilang serbisyo at biyaya.

Matapos ipatupad ang community quarantine sa iba't-ibang panig ng bansa, marami ang nawalan ng trabaho at hanapbuhay kaya lalong dumami ang bilang ng mga pamilyang naghihirap.

Gayunpaman, may mga programa ang pamahalaan upang tulungan ang mga pamilyang Pilipino sa gitna ng hirap na kinakaharap ng buong mundo dahil sa pandemyang COVID-19.

POPULAR: Read more about Filipino viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sobrang mag-viral ang post ni Cha Calubaquib tungkol sa pagbigay niya ng chicken sa Grabfood rider niyang si Kuya Andrew. Dahil na din na sa post na ito ay marami nang blessings na dumating kay kuya. Panoorin ang kanilang kwento! Panoorin ang iba pang nakakaaliw na videos sa aming KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel