Estudyanteng nagpakuha ng grad pic sa ospital, di na umabot sa mismong graduation

Estudyanteng nagpakuha ng grad pic sa ospital, di na umabot sa mismong graduation

- Viral ang larawan ng isang estudyanteng may malubhang karamdaman na nagpakuha pa ng graduation picture sa ospital

- Hiling nitong magkaroon ng naturang larawan at excited na rin sana siyang makapagtapos sa Abril

- Sa kasamaang palad, di na ito umabot sa araw na iyon at pumanaw na noong Marso 6

- Labis na nalungkot ang mga kaibigan, guro, kaklase lalo na ang kanyang pamilya dahil sa di manlang ito naka-akyat ng entablado upang makuha ang kanyang diploma

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng guro na si Rodeliza Lopez Omana ang larawan ng estudyanteng si "Jayson" na nagpakuha ng graduation picture sa ospital.

Kwento ni Rodeliza, pabalik-balik na sa ospital si Jayson dahil sa kondisyong enlargement of the heart.

Nangamba raw ang kanyang estudyante na wala siyang graduation picture kaya naman dinala ng guro sa ospital ang photographer upang makunan ng larawan si Jayson na nakasuot ng toga.

Bakas sa ngiti ng estudyante ang kasiyahan na natupad ang kanyang kahilingang magkaroon din ng graduation picture.

Kahit pa naka-swero at may oxygen tank, nagawa pa ring ngumiti ni Jayson para sa kanyang grad pic.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa post, humingi rin ng tulong ang guro para sa pagpapagamot ng estudyante.

Ngunit sa kasamaang palad, nito lamang Marso 6 ay pumanaw na si Jayson.

Hindi na niya inabot ang mismong Araw ng Pagtatapos nila sa paaralan ngayong Abril.

Sadyang nalungkot ang mga malalapit na tao kay Jayson at hiling nilang sana'y inabot pa nito ang pag-akyat niya ng entablado sa pagkuha niya ng diploma.

Ngunit alam naman ng kanyang mga kaibigan, kaklase, guro at pamilya na higit na nasa mas maayos na lagay na si Jayson at wala na ring iniinda nang sakit.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok dance challenges are taking over social media. HumanMeter is on point as always asking passers-by to dance to famous songs together with our host Andre!

TikTok Challenge In Public: Come And Dance With Me! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel