Gardo Versoza, kinagiliwan ng netizens dahil sa kanyang pole dancing pictures

Gardo Versoza, kinagiliwan ng netizens dahil sa kanyang pole dancing pictures

- Marami ang naaliw sa mga litratong ibinahagi ng aktor na si Gardo Versoza sa Instagram

- Sa laki kasi ng katawan niya, marami ang nagulat na napili niyang mag pole dancing

- Kasama din niya ang asawa niya sa kanyang pole dancing lessons

- Si Gardo ay kilala sa pagganap sa pelikula at teleserye bilang brusko at astig

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinagiliwan ng maraming netizens ang mga litratong ibinahagi ni Gardo Versoza sa Instagram na kuha sa kanyang pole dancing lessons kasama ang kanyang maybahay.

Marami ang nagulat lalo at malaki ang katawan ng aktor at karamihan na nag po-pole dancing ay kababaihan.

Gayunpaman, hindi naman ito exclusive para lang sa mga babae.

Narito ang ilan sa mga "bonggang" pole dancing pictures na ibinahagi ng aktor.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kasalukuyang napapanood ang aktor sa panghapon na serye ng Kapamilya Network na Sandugo kung saan gumaganap siya bilang si Ulysis.

Nakilala din siya sa maituturing na isa sa pinaka-iconic niyang pagganap bilang si Machete.

Narito ang ilan sa reaksiyon ng kanyang mga Instagram followers:

Ang sexy... ng pose
Great form cupcake
Ang cupcake pole dancing na lang kesa pumasok sa politika
Todo effort ang carebear ah. Ingat. God bless
Ang angas mo cupcake

Samantala, sa naunang ulat ng KAMI, naging usap-usapan ang Instagram post ng aktor matapos siyang makita kasama ang ilan sa cast ng pinakabagong teleserye ng GMA.

SI Gardo Versoza ay nakilala sa kanyang husay sa pag-arte. Ilan sa kanyang mga naging pelikula ay Sabik Sa Halik, Machete II, Halimuyak Ng Babae at Kirot.

POPULAR: Read more about Entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

GMA's newest series "Descendants of the Sun," which is an adaptation of a hit Korean series premiered on February 10. Its cast including Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Jasmine Curtis-Smith, and Rocco Nacino talked about their series in an interview with KAMI. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel