Lolit Solis, umalma sa mga nagsasabing palabas lang ang nangyari kay Kim Chiu

Lolit Solis, umalma sa mga nagsasabing palabas lang ang nangyari kay Kim Chiu

- Kasunod ng mga patutsada ng ilang personalidad laban kay Kim Chiu, marami din ang naghayag ng suporta sa aktres

- Isa na dito ang entertainment writer na si Lolit Solis na naghayag ng paghanga sa aktres

- Hinangaan niya na sa kabila ng pinagdaanan ni Kim ay nagawa pa nitong tumuloy sa trabaho

- Dagdag pa niya maaring hindi pa nagsink in sa aktres ang nangyari at hindi niya alam ang kanyang gagawin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang pamamaril sa sasakyan ni Kim Chiu, ilang personalidad kagaya ng blogger na si Andre Olivar at TV host Jay Sonza ang kumuwestiyon kung totoo ba talaga o palabas lamang ang nangyari sa Kapamilya aktres.

Kasabay nito, marami sa mga kasamahan ni Kim Chiu ang nagpahayag ng suporta sa aktres at nagtanggol sa kanya.

Marami sa kanila ang nagpatotoo sa kabaitan ng aktres at hindi makapaniwalang may magtatangkang pumaslang dito.

Isa nga dito si Lolit Solis. Ayon sa Entertainment writer, tila hindi kapani-paniwala na gagawa ng ganoong bagay si Kim.

Kaugnay naman sa pagtuloy ni Kim sa trabaho sa kabila ng pinagdaanan, maaring hindi pa daw nagsink in sa aktres ang nangyari.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naku naman Salve, hindi naman siguro fair iyon hinala ng iba na 'gimmick' iyon nangyari kay Kim Chiu. Una, never nakilala si Kim na mahilig sa gimmick, pangalawa, hindi ganun ka delikadong bagay ang gagawin mong gimmick, eh kung may tinamaan at mamatay? Sana naman sa ganitong pagkakataon maging fair at huwag ng maglagay malisya sa isang bagay na kung hindi ka siguro naging masuwerte baka may nasaktan pa.

Basta ako kahit hindi fan ni Kim Chiu nandun ang paghanga ko sa kanya dahil sa nangyaring ito. Siya ang patunay na pag gusto mo gawin ang trabaho mo, magagawa mo at hindi kailangan ang alibi. Muntik ng mamatay, taping parin, siguro nga hindi agad nag sink in sa kanya ang takot, at delayed naging reaction niya. Pero kahit ano pa sabihin, bravo Kim Chiu, wow na wow ka talaga.

Naghayag pa ng paghanga si Lolit dahil sa dedikasyon niya sa kanyang trabaho.

Si Lolit Solis ay isang kilalang entertainment writer at talent manager. Naging bahagi siya ng ilang talkshow sa Kapuso Network.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

GMA's newest series "Descendants of the Sun," which is an adaptation of a hit Korean series premiered on February 10. Its cast including Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Jasmine Curtis-Smith, and Rocco Nacino talked about their series in an interview with KAMI. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel