Kaugnay sa COVID-19:Pangulong Duterte, nag-deklara na ng Public Health Emergency

Kaugnay sa COVID-19:Pangulong Duterte, nag-deklara na ng Public Health Emergency

- Tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Department of Health na mag-dekalara na ito ng Public Health Emergency

- Ito ay matapos na makumpirma ng DOH ang ikaanim na kaso ng Coronavirus disease 2019 sa bansa

- Pawang mag-asawa ang ikalima at ikaanim na kaso ng COVID-19 at ito ang kauna-unahang local transmission ng virus sa bansa

- Inaasahan naman ang pakikiisa ng bawat mamayan sa mga hakbanging ipatutupad upang makaiwas sa pagkalat pa ng naturang virus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos kumpirmahin ng Department of Health ang ikaanim na kaso ng nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 sa bansa, agad nilang inirekomenda sa Malacañan ang pagdedeklara ng Public Health Emergency sa bansa.

Ayon sa Philippine Star, tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang rekomendasyon at inaprubahan nito ang nationwide Public Health Emergency base sa text message na ipinadala sa kanila ni presidential spokesman Salvador Panelo.

Sinabing naalarma rin ang pangulo matapos na itaas ng DOH ang code red sublevel 1 sa kinakaharap nilang sitwasyon sa COVID-19 sa bansa.

Nangangahulugang kailangan alerto at handa ang lahat ng medical personnel sa oras na mas kailanganin ang kanilang serbisyo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Base sa press briefing na isinagawa ng DOH noong Marso 7, pawang mag-asawa ang ikalima at ikaanim na kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ito rin ang unang local transmission na naganap dahil sa walang travel history ang mag-asawa. Naka-quarantine na ang kanilang apat na mga anak at sila pa lamang ang kumpirmadong nakasalamuha ng mag-asawang tinamaan ng kinatatakutang virus.

Dahil dito, naging bukas umano ang posibilidad na maaring may ilan pang mga nahawa tulad na lamang ng kaso ng mag-asawa.

Ayon sa Inquirer, ilang mga munisipalidad ang nagdeklara na ng suspensyon ng klase upang ma-disinfect muna ang mga paaralan at mabigyan sila ng iba pang mga kagamitan tulad ng face masks at vitamin-C upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

Inaasahan naman daw ni Pangulong Duterte ang pakikiisa ng bawat mamayan sa mga ipatutupad ng pamahalaan partikular na ng DOH upang makaiwas sa COVID-19 at mapigilan ang paglaganap pa nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok dance challenges are taking over social media. HumanMeter is on point as always asking passers-by to dance to famous songs together with our host Andre!

TikTok Challenge In Public: Come And Dance With Me! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel