Mga lugar na nagkansela ng klase dahil sa COVID-19, nadagdagan

Mga lugar na nagkansela ng klase dahil sa COVID-19, nadagdagan

- Nadagdagan pa ang mga lugar na nagkansela na ng klase matapos na makumpimra ang ikaanim na kaso ng COVID-19 na naging hudyat upang maitaas na ang Code Red sublevel 1

- Ang ikalima at ikaanim na kaso ay mag-asawa mula sa Cainta, Rizal at ang unang local transmission ng kinatatakutang virus

- Nagdeklara na rin ang Cainta, Rizal at maging ang Marikina na wala na ring klase sa kanilang lugar

- Nagkansela ng mga klase ang mga naturang lugar upang magsagawa ng preventive measures upang mapigilan ang maaring patuloy na pagkalat ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagkansela na rin ng klase ang Cainta, Rizal at Marikina City matapos na magdeklara ng code red sublevel 1 ang Department of Health kaugnay ng nagdagdagang bilang ng nagpositibo sa COVID-19.

Sa naunang ulat ng KAMI, nagdeklara na ang Navotas at San Juan noon pang Sabado, Marso 7.

Sa San Juan kasi ang lokasyon ng prayer room na pinupuntahan ng mag-asawa na ikalima at ikaanim na kumpirmadong kaso ng COVID-19 kaya naman agad na umaksyon ang kanilang lokal na pamahalaan sa pamumuno ng kanilang alkalde na si Mayor Francis Zamora.

Nagkansela na rin ng klase ang Marikina at Cainta, Rizal na patuloy na magsasagawa ng preventive measures upang mapigilan ang pagkalat ng kinatatakutang virus.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Napag-alamang sa Cainta, Rizal pala nakatira ang mag-asawa at naka-quarantine na rin ang kanilang mga anak.

Namigay na rin ng mga face masks at disinfectants pati na rin vitamin-C sa mga residente roon.

Samantala, bagaman at sa Bonifacio Global City sa Taguig nagtatrabaho ang ikaapat na kaso ng nagpositibo sa COVID-19, may klase pa rin sa naturang lugar.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok dance challenges are taking over social media. HumanMeter is on point as always asking passers-by to dance to famous songs together with our host Andre!

TikTok Challenge In Public: Come And Dance With Me! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel