4 na anak ng mag-asawang taga-Rizal na positibo sa COVID-19, naka-quarantine na

4 na anak ng mag-asawang taga-Rizal na positibo sa COVID-19, naka-quarantine na

- Naka-quarantine na ang apat na mga anak ng ikalima at ikaanim na kaso ng COVID-19 sa bansa

- Pawang mag-asawa ang dalawang karagdagang kaso ng naturang virus at ang kanilang mga anak pa lamang ang kumpirmadong nakasalamuha ng mga ito

- Bagama't hindi sila nakihalubilo sa kanilang mga kapitbahay, nag-disinfect pa rin ang kanilang komunidad para sigurado

- Pansamantalang pinasara na ni San Juan Mayor Francis Zamora ang prayer room sa Barangay Greenhills upang malinis ito dahil ito ang lugar kung saan madalas ang mag-asawa

- Nagsuspinde na rin ng klase sa probinsya ng Rizal hanggang sa Martes upang mabigyan ng oras ang lokal na pamahalaan na mapaghandaan ang kanilang mga kailangan para makaiwas at di na tuluyan pang kumalat ang COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos kumpirmahin ng Department of Health na asawa ng ikalimang kaso ang ikaanim na kaso ng nagpositibo sa COVID-19, agad na inilagak na sa quarantine ang mga anak nito.

Ayon sa GMA news, napag-alamang taga-Cainta Rizal ang mag-asawa kaya naman agad na kumilos ang lokal na pamahalaan nila upang mailatag ang preventive measures sa lugar.

Nagpadala ang alkalde ng lugar na si Mayor Kit Nieto ng medical team sa mismong bahay ng mag-asawa upang alamin ang sitwasyon ng mga anak.

Hindi man nakisalamuha ng mag-asawa ang kanilang mga kapitbahay, nag-disinfect pa rin sila sa kanilang komunidad.

Sa ulat ng Philippine Star, madalas daw ang mag-asawang ito sa isang 'prayer room' sa Barangay Greenhills sa San Juan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil dito, agad na pansamantalang ipinasara ito ng alkalde ng naturang lugar na si Mayor Francis Zamora upang malinis at ma-disinfect ang lugar. Una na itong naiulat ng KAMI.

Sa ulat ng Bomboradyo, nagsuspinde na rin ng klase sa probinsya ng Rizal hanggang Marso 10 upang mabigyan ng oras ang lokal na pamahalaan nila na maisagawa ang kaukulang aksyon tulad ng pamamahagi ng mga face masks, disinfectants at vitamin-C.

Samantala, patuloy na inaantabayanan ang kalagayan ng 62-anyos na ikalimang kaso ng COVID-19 dahil sa naging kritikal ang lagay nito bunsod ng iba pa nitong iniindang sakit.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok dance challenges are taking over social media. HumanMeter is on point as always asking passers-by to dance to famous songs together with our host Andre!

TikTok Challenge In Public: Come And Dance With Me! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel