Guro, inireklamo ang estudyanteng di umano'y nanakit sa kanya

Guro, inireklamo ang estudyanteng di umano'y nanakit sa kanya

- Inireklamo ng isang guro sa Negros Occidental ang isang 16-anyos niyang estudyante na di umano'y nanakit sa kanya

- Kwento ng guro, kinompronta lamang niya ito dahil sa pagpapadala ng nakakaalarmang mensahe sa kanya

- Naganap ang pag-uusap sa principal's office kung saan maayos na tinanong ng guro ang binatilyo

- Tinanong din niya ang estudyante kung bakit hindi rin umano ito humingi ng tawad nang minsang tawagin niya ang guro ng masasakit na salita

- Bigla na lamang sumigaw ang estudyante at sinimulan ang pananakit sa guro

- Napag-alamang sadyang problemado ang binatilyo na sumasailalim sa therapy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang guro sa Himamaylan City, Negros Occidental ang nagreklamo sa pulisya kaugnay sa pananakit di umano sa kanya ng isa sa kanyang mga estudyante.

Base sa ulat ng Rappler, isinalaysay ng 23-anyos na English teacher na si Kristel Anne Valencia ang pinag-ugatan ng sinasabing pananakit ng 16-anyos na binatilyo.

Kinumpronta lamang umano ni Valencia ang di pinangalanang estudyante dahil sa pagpapadala umano nito ng nakakaalarmang mensahe sa kanyang messenger.

Maayos niya itong kinausap sa Principal's office at magkatabi pa sila nito habang tinatanong ang kanyang estudyante.

Natanong din ng guro kung bakit di nito nagawang humingi ng tawad sa nauna niyang nagawa kung saan nasabihan niya ng masasakit na salita si Valencia.

Ayonsa ulat ng Inquirer, nagulat ang guro nang biglang tumayo ang etudyante at siya ay pinagsusuntok.

Hinila pa umano nito ang kanyang buhok saka naitulak siya sa sofa dahilan para siya ay mahilo.

Nadala naman ang guro sa ospital habang naawat at napakalma naman ng iba pag guro ang binatilyo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Napag-alamang sadyang problemado ang estudyante at hindi ito ang unang beses na nakagawa ito ng hindi maganda sa kanilang paaralan.

Sumasailalim ito sa ilang session ng therapy dahil sa kanyang problema sa pag-uugali.

Sa inilabas na medical certificate ni Dr. Ma. Cecilia Amante, medical officer of Gov. Valeriano M. Gatuslao Memorial Hospital, nagkaroon ng trauma si Valencia kaya pinayuhan itong magpahinga ng 3 hanggang 5 araw.

Binahagi rin ng Manila Bulletin na nailipat na ng paaralan si Valencia at masusing makikipag-ugnayan ang Department of Education sa pagresolba ng kasong ito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok dance challenges are taking over social media. HumanMeter is on point as always asking passers-by to dance to famous songs together with our host Andre!

TikTok Challenge In Public: Come And Dance With Me! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel